T W E N T Y - S E V E N

8.4K 513 1.3K
                                    

A/N: YAS SAY HELLO TO RAIDEN! KAWAY KAWAY SA MULTIMEDIA. HAHAHA.

***


"Kabahan ka na, Lowen. Babalikan ako ni Taehyung."


Kingina ba.


Hindi maalis alis sa utak mo yung linyang yun.


Tila ba LSS ka.


Nung makabalik ka sa room ni Taehyung, lahat sila nakatingin sayo.


"Oh? Bakit?" Nasambit mo.


"Okay ka lang?" Tanong ni Jimin.


"Oo? Kayo ba?"


"HINDI." Derechong sagot ni Suga.


"Pambihira naman kasi, kulang na nga ako sa tulog, dinalaw pa kita, dumagdag pa tong ulupong na ex ni Taehyung." Dagdag pa niya.


"Hindi mo na kelangang magpaliwanag pa. Halata naman sa gilagid mo." Hirit pa ni Hoseok.


"Ang tanong, Taehyung, okay ka lang ba?" Nakakaintrigang tanong ni Namjoon.


Napatingin naman silang lahat kay Taehyung.


Hindi naman sumagot si Taehyung.


"Uhhh... Taehyung?" Pagtawag ni Jin dahil lahat kayo nagaabang ng sagot.


"Iwan niyo muna ako, please." Tanging sabi ni Taehyung.


Wala namang kumibo.


"Guys, hindi naman siguro tayo bingi no. Tara na." Sabi naman ni Jungkook at nagsi-alis naman kayo.


Balak mo sanang pumasok pa ulit kaso hinatak ni Jimin yung braso mo.


Ayie?! Ulol. Wag kang kiligin at baka masaksak kita dyan.


"Wag na. Hayaan mo muna siya." Sabi niya at napaatras ka nalang sa pinto ng room.

Alien's Disguise (ONGOING || REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon