T W O

11.6K 842 560
                                    

Habang ikaw kasulukuyang naka-dikit parin sa kalsada, yung ibang ARMYs nagsisitakbo na para pumuntang Diamond Hotel.


Bakit? Syempre, doon magchecheck-in BTS eh.


Hindi ka parin makapaniwala, nakita mo sila.


Nakita mo BTS.


Ano? Hanggang dyan ka na lang ba? Kaya mo pa ba?


Partida malayong view pa yung nakita mo sa kanila, paano kaya pag close encounter pa?


Nako wag na, baka hindi kayanin ng kaluluwa mo at biglang sumalangit.


Ano pupunta ka bang hotel? #TeamHotel na ba 'to?


Pero paano? Nauna na BTS, makakahabol ka pa kaya?


Wait lang, asan na nga ba si Kuyang L?


Para namang elyen yun, bigla-biglang nawawala. Weird.


"Kuyang L, Kuyang El. Kuyang El-yen. Ay oo, bagay nga. Kuyang Elyen!" Naisip mo naman bigla.


Teka, 'bat nga ba siya iniisip mo? Ano nanamang pumasok sa kokote mo?


"Si Kuyang L-yen. Baka matulungan niya ako." Bigla ka namang nabuhayan ng loob at hinanap siya.


Teka, ang lakas naman ng loob mong maghanap ng lalaking naka-all black na nakahoodie at nakamask.


Ang dami kayang naka-ganun dito.


Ay ewan, bigla ka nalang tumakbo papunta dun sa parking lot ng mga taxi.


Buo na desisyon mo, pupunta kang Diamond Hotel.


"Kaya mo to, Lowen. KAYA MO TO, TANGINA." Sabi mo sa sarili mo habang tumatakbo papuntang taxi.


Sumakay ka kaagad nang walang anu-ano.


"Kuya, sa Diamond Hotel po. Bilis!" Ang kapal talaga ng apog mo, pinagmadali mo pa yung driver.


Naka-hinga ka naman ng maluwag at napasandal.


Pag lingon mo sa kanan mo, bigla kang napa-mura. "TANGINA!?"


"Wtf, are you stalking me or what?" Nagulat ka dahil, aba putangina English spokening dollars ang gago.


IN-ENGLISH KA NI— "KUYANG ELYEN?!" Nagtaka siya dun.


Natawa naman si Manong Driver, "Yan ang tinatawag na fate. Hijo, wag mo nang pakawalan yan. Forever na kayo."

Alien's Disguise (ONGOING || REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon