Prologue

27 3 2
                                    

"Tyrell, I'm a mess can't you see? I push away those people who care for me kasi wala akong kwenta, wala akong silbi... kaya please umalis ka na... iwan mo na rin ako bago ka pa masaktan ng tuluyan." sabi ko sakanya habang sinasapak sya sa dibdib ptngn naman kasi bat ba ang kulit nya.

Basang-basa na kami ng ulan pero parang wala syang pake, parang gustong-gusto nya pa na nagdadrama ako sakanya sa gitna ng ulan, tarantadong to. NAKAKAINIS.

Tatalikuran ko na sana sya para umalis nung bigla nyang hinugot yung bag ko.

"Ano?! leche kung ayaw mong umuwi para maka---" bigla syang nagsalita.

"Do you think I care if you're a mess? Flash news Lee, I don't. Mahal kita kahit may sira ka sa ulo, kahit ang ingay ng bunganga mo at napakadumi pa ng mga salitang lumalabas dyan. Mahal kita kasi ikaw yan. Eh sa ayaw kong umalis may magagawa ka ba? Hangga't di pa ako pagod hindi ako titigil. Tngn wag mo akong pangunahan sa mga desisyon na yan. Kung sira ka aayusin kita, kung magulo ka aayusin pa rin kita basta hayaan mo lang ako sa tabi mo. Wag mo akong itaboy, mapapagod ka lang, ayokong napapagod ka."

Pagkatapos nyang sabihin yan hinalikan nya ako sa noo at nilagpasan na ako. Teka?!??!!! ako dapat yung magwa-walk out di ba?! Babatuhin ko sana sya nung bag ko nang bigla syang lumingon.

"Umuwi ka na, hindi na kita ihahatid naiinis ako sayo ang kitid ng utak mo." Naglakad na uli sya paalis pagtapos nyang sabihin yun.

Ganun pa nya ako kamahal? Masyado ko bang minaliit yung pagmamahal na meron sya sakin? Hay, gg sya pinapagulo nya lang lalo lahat eh!



MessWhere stories live. Discover now