Chapter 1

36 2 2
                                    

"Zaylee, hanap ka na naman ni Tyrell dun baka mabeast mode na naman yun." sabi ni Elsie yung Class President namin.

Andito kasi ako sa may balkonahe ng room namin. Oo, may balkonahe room namin wag kayong ano.

"Sabihin mo sakanya manahimik sya dun at ipukpok sa sarili nya yung gitara nya tngn sya." sabi ko kay Elsie. Bakit ba eh sa nananahimik nga ako dito, mang-iistorbo sya. Umupo ako sa may sulok at nilabas yung phone ko pati earphones, masyadong maingay sa loob ng klase nakakaistorbo sa pagsesenti ko. Pinikit ko yung mata ko, ninanamnam ko yung ka-hotan ng boses ni Justin sa Sorry hahaha.

*kalabit*

*kalabit*

"PTNGN DI BA AKO MATAHIMIK NG ILANG ORAS?!?!?!!" sigaw ko sa nangalabit sakin sabay lingon. 

"Did you just cuss at Tyrell's too handsome face?" biglang sabi ni Martina, yung classmate naming patay na patay kay Tyrell.

"Oyes Martina dear, any violent and unwanted reactions coming from you?" sabi ko sakanya habang nakataas ang kilay.

"Pssst... babe" bulong ni Tyrell sakin, nasa likod ko sya. "Kumalma ka, ang pogi ko oh." 

Nilingon ko si Tyrell at binatukan, ptngna sya dahilan kung bat di ako natatahimik eh. Lagi na lang nakabuntot sakin, pet ko eh.

"tngna ka kasi, ano bang kailangan mo?" tanong ko sakanya habang nakapamewang.

"Wala, namiss kita eh. Tutugtugan sana kita kaso sabi mo ipukpok ko yung gitara ko sa sarili ko kaya ayun basag na." sabi nya habang nakatingin sakin ng seryoso.

"Di ka nagjojoke? Hinampas mo talaga sa sarili mo?" Pinitik nya ako sa noo.

"Mahal kita pero di ako ganun katanga. Hinampas ko sa upuan ni Jano. Masaya ka na?"

"Ewan bahala ka nga jan, di ko naman sinabi sayong gawin mo lahat ng sabihin ko. Ano kita pet? Nagpapatawa ka ba Ty? Ang benta leche."

Bago ako tuluyang makaalis nagsalita uli sya.

"Mamayang uwian samahan mo ako, bibili ako bagong gitara."

Iniwan ko na sila ni Martina dun, nawala ako sa mood eh. Basta talaga naririnig ko sakanya na mahal nya ako nawawala ako sa mood. Ewan ko rin kung bakit...

--

Di pumasok si Tyrell ng English namin tapos eto namang si Jano at Ced sakin sya hinahanap. Tngn hanapan ba ako?

Dirediretsong pumasok si Ty nung nagdi-disscuss yung Math teacher namin. Nung una akala ko di sya nahalata na late na sya pumasok hanggang sa tinawag sya ni Ma'am para magsolve sa board.

"Why can't you answer that Math problem since you're the one who made that. I deal with my own problems, deal with yours too."

Halos lahat ata kaming nasa loob ng room napanganga sa sagot nya. Intense eh.

"Mr. Queliza, You're disrespecting me. Wow."

"Sorry, Ma'am. Wala lang po sa mood."

Bago sya naupo nilingon nya muna ako, naka poker face lang sya. Tbh, mukha syang matanda.

Nung uwian na, lumapit sakin si Ced habang nag-aayos ako ng gamit.

"Zay, hintayin ka daw sa shed ni Tyrell. Aalis daw kayo."

Tinaasan ko ng kilay si Ced.

"Sabihin mo sakanya wala akong pake."

Dirediretso akong lumabas ng room at naglakad pauwi.







Você leu todos os capítulos publicados.

⏰ Última atualização: Dec 01, 2015 ⏰

Adicione esta história à sua Biblioteca e seja notificado quando novos capítulos chegarem!

MessOnde histórias criam vida. Descubra agora