Entry 3: Crush

9 0 0
                                    

Nasa kalagitnaan ako ng supermarket nun at busy ako sa phone ko. Pag angat ko ng tingin saka rin ang pag salubong ng tingin mo na para bang may hinahanap sa malayo. Parehas tayong natawa kasi magkaharap na pala tayo.

Parang scene sa isang movie o di kaya sa wattpad. Cliché, pero cute.

Kaso nga lang, di tayo tulad nung mga nasa movies at wattpad stories. Classmate lang kita, kaibigan pa nga eh.

Sa ngayon, isa ka sa mga nagpapangiti sa'kin.

Shet, kinikilig ako.

Minsan kahit kasama kita, bigla na lang akong nagsspace out kasi iniisip kita. Napapangiti na parang baliw. Nasa'yo na kasi ang lahat.

Matalino, gwapo, sporty, maganda ang boses, magaling mag gitara, at higit sa lahat! Dancer pa!

Ang swerte ng magiging girlfriend mo. As in. Kaya sana kung magkakagirlfriend ka, swerte ka rin sa kanya.

Malas pala... may sayad ka eh. haha.

Pero kahit na madalas kang nakakainis, crush parin kita.

Paghanga lang naman. Di naman ako baliw na baliw sa'yo. Ang cute mo lang kasi minsan. Ideal type ka rin kaya di talaga maiwasang magkacrush sa'yo.

At kung nabasa mo 'to, wag kang mayabang kasi epal ka. haha. Pero seryoso, kung nabasa mo 'to, probably di na kita crush. haha.

DiaryWhere stories live. Discover now