A/N: Okay. Nag update ako ngayon kasi wala lang. Hehe. Ang tagal din simula ng huli akong nag update. Sorry. Kaya ito na. Mahaba habang update. Gara! BTW. Highway. Sino gusto makipagpistahan? Game 7 Miami VS Spurs? Spurs ako oh. Pusta ko na buhay ko. Hahahahaha!
Ge. Basahin nyo na update ko. Hwag nyo kalimutan mag VOTE and COMMENT. :)
***
Chapter 47
Matapos ang pangyayareng labis na ikinagulat ni Stephen ng marinig ni Jayke ang usapan nila ng kanyang ina hinabol niya ito ngunit sa pagtakbo nya ay nakasalubong niya ang kaibigan nyang si Luke kasama si Maria na girlfriend nito.
"Nakita nyo ba si Jayke?!" Hingal na hingal na tanong nito.
"Alam na niya." Seryosong sabi ni Luke sa kanya.
"Ano bang pinag uusapan nyo? Tsaka ikaw ba ang dahilan kung bakit umiiyak si Jayke?!" Halatang naiinis na tanong ni Maria.
"Babe, not now." Baling ni Luke sa babae.
"What the?! Ganun na lang yon? Umiiyak si Jayke tapos not now?!" Sinisigawan na nito si Luke. "Ano?! Magsalita ka Stephen!" Baling naman niya kay Stephen.
"Please. Sabihin nyo. Saan siya nagpunta?" Nagmamakaawa at halatang nag aalalang tanong ni Stephen.
Hindi siya pinansin ni Maria kaya naman si Luke na ang sumagot sa tanong nito.
"Sa tingin ko nakalabas na siya ng campus. Pero pare, hayaan mo muna siya." Hinawakan ni Luke ang balikat ng kaibigan.
"Puta naman! Bitawan mo ko. Nasaktan ko si Jayke, tapos hayaan?! Alam mo ba yung sinasabi mo pare?!" Galit na ang tono ng boses ni Stephen.
YOU ARE READING
HIS PARTNER IN BED (On-going)
General FictionI'm his partner ONLY in bed because I gave him pleasure whenever we do that. But, til when will I be his partner in bed?