ATOV Nine

1.9K 104 13
                                    

Ilang sandali pa ay natapos na rin ang kapatiran sa kanilang koro-koro.

Felix: Oscar, simulan at tapusin na natin ang gabing ito. Ihanda mo na ang anak mo. Althea hija, let's go.

At sinumulan na nga ni Felix ang surpresang inihanda sa anak. Inintroduce na sa crowd ang nag-iisang anak nya at isinunod na si Nadine. Dahil may ideya na ang dalawa sa mga mangyayare, biglang binulungan ni Althea ang Daddy nito na bilisan na at pagod na sya.

Felix: Ladies and gentlemen, your attention please. Siguro ay nagtataka kayo sa mga imbetasyong inyong natanggap. Oh well, hindi ko na patatagalin pa ang mga agam-agam sa inyong mga isipan. Tonight is very special for us. Dahil lahat kayo ay saksi sa engagement na eto ng unica hija kong si Althea at katipan nyang si Nadine na anak nina Oscar at Amanda Tanchinco.

Oscar: Cheers for this power couple.

Nagsitayuan ang lahat ng mga bisita and raised their glasses for the newly engaged couple sabay ang masigabong palakpakan.

Wala ng nagawa pa ang dalawa kundi ang maging sunod sunuran at ayon na nga naisuot na ni Althea ang engagement ring kay Nadine.

Sabay yakap ng mga magulang nila at kinongratulate sa isang matagumpay na kaganapan sa buhay nila.

Tango rito....... tango roon lang ang nagawa ng dalawa bilang pasasalamat sa lahat ng mga bumati sa kanila.

Althea: Tama na ang kalokohan na to. Magdrama ka ng masakit tummy mo at ng makauwi na kayo at maglipana na rin ang mga tao dito (mabilisang bulong nito kay Nadine).

Ilang sandali pa ay bumulong na nga si Nadine sa Mama nito na masama na ang pakiramdam dahil sa pananakit ng tiyan nya.

Naalarma naman ang mag-asawa kaya't nagpaalam na agad ang mga to at sa huling pagkakataon, sobrang abot langit na ngiti ang binitawan ni Felix kay Oscar at ganun din ang ginawa ng huli.

Para hindi gaanong mahalata ang mga plano nina Althea at Nadine kunwaring ngyakapan ang dalawa at sabay bulong sa isa't isa to stick with the plan.

Time runs...

Narating na nga ni Jade ang Amerika ng safe and sound. She then turned on her phone with her roaming number and called her besties Bianca and Sally.

Sa JFK airport paikot ikot si Jade habang kausap ang mga kaibigan na papunta pa lang sa pagsundo sa kanya.

Habang naghihintay sa dalawa, mas naunang naisip ni Jade si Althea at kung kailan nya kaya ulit eto makikita.

Jade's POV:

I'm here, Althea. Hihintayin ko ang pagbalik mo dito sa Amerika. Sa ano mang kadahilanan ay hindi ka na talagang mawaglit pa sa isip ko. Sabik ako sa muli nating pagkikita. Walang kasiguraduhan ngunit handang handa akong maghintay para sayo.

Nagulat si Jade sa mga pagmumuni muni nya ng may biglang dalawang babe syang narinig na ngsitilian ng makita sya.

Bianca and Sally: Welcome to the U.S of A, bestie and of course happiest birthday to you (sabay labas ng maliit na cake with matching candle pa)

Jade: Oh, gawd! I've missed you girls so much. And thank you for this. Wait, let me make a wish first (sana magkita ulit tayo, Althea ang tanging naibulong sa sarili). Shall we guys? Pasensya na at sobrang gutom na ako and pagod.

Sally: Of course. Let's go at marami kaming inihandang food for you and sa mga kwento mo.

Nang marating nila ang apartment ay hindi na ngpaligoy ligoy pa si Jade at kinuwento na ang lahat ng mga pangyayare sa dalawa except lang sa "Happy Accident" nya sa NAIA.

A Twist Of VowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon