ATOV Seventeen

1.8K 119 30
                                    

Oscar's POV

Lord, ito na po ba yun? ang kaparusahan sa lahat ng pangtataboy na ginawa ko sa bunso kong anak na si Jade? Ito po ba ang kapalit ng pagtago at layo ko ng tuluyan kay Amanda sa anak namin tuwing naaalala nya to? Hirap ng buhay ang iniiwasan kong mangyare sa pamilya ko kung kaya't ganun nalang ang pagkapit ko sa pangakong nabitawan sa kapatiran. Ngunit Diyos ko, bakit sobra sobra naman po ata itong kapighatian na nararanasan namin sa ngayon pati na rin sina Felix. Bigyan mo po ako ng sign, kung ang paghahanap at pagtanggap kong muli sa bunsong anak ko sa buhay namin ang muling panunumbalik ng matiwasay na buhay naming lahat ay syang gagawin ko po. Huwag ka po munang magsawang patawarin ako, Ama. Itutuwid ko po ang pagkakamali ko sa aking anak na si Jade.

Amen.

Matawagan nga si Felix at kung nakita na rin ba nya ang unica hija nya.

Felix: Oscar, napatawag ka kapatid? Masyado na akong naguguluhan. I had all the money in the world then pero ngayon bakit ganito, isa-isa ng nauubos ang properties ko para lang manatiling buhay ang mga negosyo ko.

Oscar: Kumalma ka, papasaan ba't matatapos din ang lahat ng dinaranas nating pighati sa ngayon. I was able to check kina Jaime at Antonio pero okay pa naman daw mga negosyo nila at ni isa walang pinapakialaman ng mga ChuachoySy. At nakipagsabayan pa talaga ang JRG USA Firm sa pagpapalubog sa atin.

Felix: Walang kupas talaga ang kahayupan ng Jason na yan at hanggang ngayon ay buhay parin. Nagpaback ground check na ako sa JRG USA Firm sa obrang pagkaprivate the only information lang na nakuha ng mga inupahan kong tao ay pagmamay-ari daw ito ng 5 na kababaihan pero yun lang at wala na silang nasagap pa.

Oscar: Isang galaw pa ni Jason, ako na mismo ang haharap sa kanya at sisiguraduhin kong ito na ang huli nya. Limitado din ang information na meron ako sa JRG USA Firm na yan pero ang gagaling nilang gumalaw. Kayang kaya nilang magpataob ng mga negosyo with just a snap of their fingers. But mark my word pagnakuh ko na ang approval ng D. Howell Group of Companies to merge sa Tanchinco Realties Inc sinisigurado kong aarba ulit tayo sa ere. Kapit lang. Maiba ako, si Althea ba nahanap mo na?

Felix: Kung sino man sa atin ang mapili ng D. Howell Group f Companies ay magtulungan na lang tayo at babawian ko yang hayop na Jason na yan at ang JRG USA Firm. Anyhow, wala pa rin akong balita sa bata na yun. Ayaw talagang magpahanap pero wag kang mainip Oscar para lang sya kay Nadine, sinisiguro ko yan sayo. Sa muli naming pagkikita, kasalan na ang susunod na magaganap kaya maghanda na rin kayo lalong lalo na ang anak mo. Bye na muna at may meeting pa ako.

Tuluyan na ngang natapos ang usapan ng dating magsing-irog na sina Oscar at Felix. Kalabisan sa mga pangyayare sa mga buhay nila ngayon ay sya namang kalkulado at bantay sarado ng mga anak nila.

Time runs...

Batchi: Tsong, may bagong e-mail na naman ang mga tatay nyo following up sa proposals nila. Grabe ng pasikot sikot ng pambobola oh pero lupit nito kapit na kapit sa patalim matulungan nyo lang sila.

Althea: Nakakatawa sila. Ano kayang gagawin nila pagmalaman nilang si Denise ang may pakana ng pagkaluge ng mga negosyo nila? Haha my wifey needs to see this.

Tama nga ang nabasa mo, sa paglipas ng panahon at sa pagbago ng anyo at pagkatao ni Jade/Rhian na Denise na ngayon ay sya ring pagbago ng endearment nilang maglablab. Si Althea mas palaban na rin ngunit sa decision making mahina pa sya at padalus-dalos kaya kalimitan si Denise na ngayon ang ngpapasya para sa kanilang dalawa at sa buong squad. No, hindi pa naman sila kasal pero para sa kanila ay mag-asawa na sila at for formality na lang ang kasal na plano na rin naman nilang mangyare soon.

A Twist Of VowsOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz