Pwede mag date?

123 12 53
                                    

Kinabukasan during lunch break:

"Rosie, Jie, kailan tayo mag start maghanap ng waste water facility?" Aba si Bogs ang aga naman gusto mag-focus sa pag-aaral!

"As early as possible, habang dipa nag start yung review natin para sa board exams." Sabi naman ni Rosie.

"Sige, ako na gagawa ng communication letter para mapa-sign agad sa mga Profs. natin. Gusto nyo this Saturday? Karamihan naman sa mga private companies open pag Saturday diba?" Sige na join na rin ako sa pagka-work mode ng mga besties ko.

"Guys since lahat tayo magkakasama sa 3 grupo, kayo na mag decide kung gusto ninyo sumama sa paghanap namin ng companies na willing tumulong sa atin sa project na ito. Okay lang naman na for the meantime, kaming mga leaders muna. Pag start na ng research saka namin talaga kailangan yung full cooperations ng lahat." Announce naman ni Bogs ulit. Aba mukhang pinag-aralan na nya talaga yung plano para sa project namin.

"May practice pa rin ako sa Saturday Jojie. If possible, tutulong ako sa mga trabaho during weekdays. Kahit ako na lang bahala sa lahat ng paperworks para sa research paper. Kung okay lang naman Jojie." Malumanay sa sagot ni Rudy. Member kasi siya ng group ko.

"Okay lang yun Rudy, sige, iaayos ko na lang yung distribution of work para pantay-pantay tayo ng input sa project." Sabi ko naman

"Pass na rin muna ako, naka-sched na kasi yung date namin ni GF sa Sat. Pero kung may sched next week, join na ako." Sabi naman ni Mico.

"Guys pass din ako. Pinapa-uwi ako ni Mama." Sabi naman ni Andy

"Ako join ako syempre." Sabi ko na nga ba hindi pakakawalan ni Darius itong chance na ito na makasama buong araw si Rosie.

"Okay. Sure na yan sa Saturday ha. Aasikasuhin ko na agad ang papers para maging official yung lakad natin. 8am okay kayo?" Pagtatanong ko sa kanila.

"Okay ako." Sabay sabay na sagot nila Rosie, Darius at Bogs.

"Excuse us guys, pwede ba namin ma-invite si Lyza at Jojie sa kabilang table? Kung okay lang naman?" Nagulat ako, si Benzon at Arnel nasa likod ko.

Nagkatinginan naman kami ni Lyza, then tumingin din ako kay Rosie na abot tenga ang ngiti. Si Bogs naman at si Rudy, parehong salubong ang kilay.

"Sure Benzon and Arnel, no problem. Tapos naman na yung meeting namin." Si Rosie na ang nagsalita. Actually buti sya na ang nag-decide para sa amin. Di ko kasi alam kung ano dapat kong isagot. Gusto ko ba sumama sa table nila?

"Sige guys, tara na Jojie." Aya naman sa akin ng naka-ngiting si Lyza.

"Ahhh guys, dun muna kami ha. Kita kits na lang sa class mamaya." Nahihiyang sabi ko kila Bogs. Nakaka-hiya dahil ako yung dating naaasar pag naiiwan kami ng mga barkada tapos ako naman ang nang-iiwan ngayon.

"Dito ka na umupo Jojie." Inalalayan naman ako ni Arnel sa silya sa tabi ni Lyza. Sya naman, umupo sa harap ko.

"Thanks."

"So, ano gusto mo kainin? Ako na oorder para sa atin." Napaka-pormal naman dito sa table na ito... Parang nasa restaurant kami at wala sa canteen.

-------
After classes, nasa labas na naman si Arnel. Ano ba ang gagawin ko nito?

"Hi Jojie, hatid na kita pauwi?"

"Ha? Ahh... Kasi may meeting pa kami mamaya sa Art Club eh. Di pa ako uuwi."

"Ah ganun ba, pwede ba samahan muna kita dito habang nag-iintay ka sa meeting?

Can This Be LoveWhere stories live. Discover now