chapter 11

20 0 0
                                    

Yeyy ! Malapit ko na tong matapos! Short story pero may Book 2 po ito !

Happy reading ;)

ANNE'S POV

FASTFORWARD

Sunday na .

Dito kami ngayon sa di kalayuan sa mansion namin.

Syempre Kasama ko si Bea.

Hohaa !

Para kaming mga kreminal na nagtatago sa likod ng mga sasakyan na nakapark sa gilid sa kabilang kalsada.

"Ano sis di ka pa ba sawa sa kakasilip ? Ehh kahit ano naman gawin mong pagsilip wala ka namang makikita ! Tingnan mo nga masydong matataas ang bakod ng mansyon nyo hayy! Kaloka ka sis hmpf !!"

Kanina pa panay reklamo yan.

Kesyo useless lang daw ang pagpunta namin dito kasi wala naman daw akong makikita.

Haist ! Tama naman sya !

Matataas ang bakod sa mansyon pati yung gate sa harap mala higante rin.

Tapos nasa malayo pa kami kaya talagang wala akong makita ni anino ng mga guards namin sa loob.

"tseeh ! Manahimik ka na lang pwde ? Diskarte ko na to ! Abangan na lang natin yung gate baka bumukas !"

Umismid lang sya .

"Ewan ko syo ! Tingnan mo nga pinagtitinginan na tayo ng mga tao ohh ayy ! Nakakahiya sis !"

Umiiling na humarap ako sa gawi nya.

"Ang daldal mo bea ! Pagbigyan mo na lang ako okay??"

Tapos humarap ako ulit dun sa side kung saan nakikita ko ang mansyon.

Sa totoo lang kanina ko pa napapansin yung mga tingen ng mga taong nagdaraan.

They were staring on us .

Hmp ! La ako pake sa kanila.

Hindi naman sila ipinunta ko dito .

20 minutes na kaming nakatayo at nagmamasid dun pero wala pa rin akong nakita.

Pati yung gate di man lang bumukas.

Nakadama tuloy ako ng matinding lungkot.

Hahayy !!

Miss na miss ko na ang mga magulang ko pati si tita sally.

Sana man lang makita ko sila kahit saglit lang .

Masilip ko lang sila mula dito promise magiging okay na ako.

"Ui sis di pa ba tayo aalis !? Gosh !Malapit ng magwala ang mga bulate ko sa tyan !!"

tskk!

Kahit kailan talaga mareklamo tong si bea.

"Wait lang .. 10 minutes na lang okay ? Pag wala pa rin aalis na tayo"

"Okay ! Haist ! "

Humalukipkip pa ito habang nagpapaypay sa sarili.

Malapit ng magtanghalian mabuti na lang di masyadong mainit dito sa pinagtataguan namin.

May mga malalaking puno kasing nakatanim dito sa gilid ng kalsada which is malalaki rin yung punong sanga kaya nahaharangan nito ang sikat ng araw.

Nakatingen pa rin ako sa mansyon hoping na may makita ako dun.

Pero lumipas ang mahabang minuto pero wala pa rin akong nakita.

Nawalan na ako ng ganang tumayo run.

RUN AWAY BRIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon