Chapter 20 (Part 2)

669 30 15
                                    

CHAPTER 20 (Part 2)


MAHIRAP ipaliwanag ang galaw ng pag-ibig. Ito iyong isang bagay na hindi mo lubusang maintindihan pero ginagawa mo, isinasabuhay mo.

Wala siyang pinipili, walang pinalalampas. Sa oras na tamaan ka niya, wala kang maaaring isagot kung hindi "Oo" lamang.

Ako si YuKi, labingwalong taong gulang na ako ngayon. Dati, takot ako sa mga bakla. At hindi lang basta takot, sindak pa ang nadarama ko sa tuwing nasa paligid ko sila.

Kung iyong iba, mababaw lang ang takot sa kanila, ako hindi. Magkahalong takot at suklam ang nadarama ko. Pero isang bakla ang dumating sa buhay ko na nagpabago ng pananaw ko sa kanila. Sa sobra ngang pagbabago ng pananaw ko ay naging kasintahan ko pa siya. Ang pangalan niya ay Nicholo, pero mas gusto ko siyang tawaging:

"Kyutipay." Pinilit kong ngumiti habang pinagmamasdan ang larawan niya sa picture frame na hawak-hawak ko, habang nakatayo ako sa harap ng salamin ng drawer ko. "Miss na miss na kita..." Hinalikan ko ang malamig na salamin ng frame sabay patak ng luha sa aking pisngi.

Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin at pinahid ang aking luha. Guwapo pa rin, haha. Medyo binata na ang mukha ko ngayon, hindi na iyong totoy na YuKi more than one year ago.

Inayos ko ang polo ko. Nasa baba na ang mga bisita ko para samahan akong ipagdiwang ang aking kaarawan. Ang plano talaga namin nila dad ay sa Olongapo kami magsi-celebrate ng birthday ko, pero ipinasiya ko na dito na rin siya gawin sa bahay. Mas kailangan ko ang pamilya't mga kaibigan ko ngayon, lalo't higit sa araw na ito. Nangungulila na naman ako sa mahal ko.

Pagbaba ko ay nagpalakpakan ang lahat na parang may wini-welcome na artista. Lahat sila nakangiti, lahat sila masaya. Dahil ba iyon sa birthday ko today or dahil lahat sila ay wala nang hahanapin pa?

Si Jessie nakatuluyan si kuya Matthew. Nagkapatawaran na rin kami, kaya ayos na ang lahat between us. Si Ivan at si Enchong, couple na rin and going strong. Ang mga walanghiya, ako pa raw ang naging inspirasyon kaya nagpasiya silang palayain ang mga damdamin nila sa isa't-isa. Ang kambal na sina Enrique at Gil, kay Kat at Julia naman. Siya nga pala, ang bunso kong kapatid na si Will ay may girlfriend na. Taga-church din. Pero ang best part is member si Will at ang girlfriend niya ng True Love Waits ministry. Meron silang commitment to keep themselves pure hanggang sa araw na ikasal sila. Hindi lang iyon: pinagawan na rin siya nina mommy ng sariling kuwarto sa baba kaya solo ko na ang kuwarto ko. At bago ko pa malimutan, sabihin ko na rin na ang magkapatid na talyer boys na sina Makoy at JJ ay patuloy pa rin ang raket kay Mon pero gaya nuon pa man, isa pa rin itong sikretong malupit.

Bago magsimula ang celebration ay tumayo muna si pastor John at nag-share mula sa Bible. Tapos ay pinag-pray niya ako, then simula na ng kainan. Kani-kaniya na ng punta ang mga bisita sa mesa at masaya ko silang pinagmasdan.

"Happy birthday, son!"

Pagpihit ko ay matamis ang ngiti nina mommy at daddy sa akin. Tapos ay ipinakita ni daddy ang kamay niya at may hawak-hawak siyang susi. Nanlaki ang mata ko.

"No!" Bulalas ko, "I hope this is not a joke..."

"Silipin mo sa labas." Paanyaya ni mommy.

Dali-dali akong sumilip sa bintana at nakakita ako ng nakaparadang itim na motor na may ribbon.

"My birthday wish!"

Niyakap ko sina mommy at daddy sa sobrang tuwa. Actually, mas willing pa silang bilhan ako ng compact car dahil natatakot sila na mag motor ako, pero dahil ipinakita ko na mapagkakatiwalaan nila ako ay naging magaan na rin ang pasiya nila na ito ang ibili sa akin.

Macho Hearts Book 4: Generation HWhere stories live. Discover now