Chapter 2

1.6K 41 6
                                    

CHAPTER 2

"PUCHA, PRE!" Banat ni Enchong. "Hindi sakit sa puso ang papatay sa'yo! Hahaha!"

Ngumisi lang ako sa kaniya, sabay talukbong ng kumot. Isinugod kasi ako sa ospital matapos akong mawalan ng malay nang pumunta ako sa youth fellowship kagabi. Hindi ko naman kasi agad naisip na may one-on-one Bible sharing pala sila bago magsimula. Iba naman kasi ang tumatakbo sa utak ko. Kawawa tuloy si Kuya Nicholo, napaghinalaan ko  pang gagawan ako ng masama. Kaya 'tong ungas na Enchong na to, may point to eh. Hindi sakit sa puso ang papatay sakin kung hindi ang pagiging homophobic ko. Paglabas ko dito babawi ako kay Kuya Nicholo. Tutal, mukha naman siyang harmless.

Bumukas ang pintuan ng kwarto ko, at dumungaw si mommy. Nang pumasok siya ay kasunod niya si Ninang Sandra at si Kuya Nicholo.

"Kamusta ka na, YuKi?" Panimula ni Ninang Sandra, sabay halik sa noo ko. "Sobra akong nag-alala sa iyo. Tinakot ka ba ni Nicholo?"

"Naku, ninang, hindi po!" Sagot ko. "Bigla lang po akong nahirapan huminga noon. Siguro pagod ako galing sa school. W-wala naman pong kasalanan doon si Kuya Nicholo." Tumingin ako kay Kuya Nicholo at nginitian ko siya.

"Anak," paningit ni mommy, "sabi ni doc maganda na raw ang kondisyon mo. Tomorrow night, pwede na tayong lumabas."

"Buti naman, mommy."

~~~

ISANG LINGO matapos ang aking mild heart attack, balik na naman ako sa building kung saan ginagawa ang Youth Fellowship. Pero this time, hindi na ako tamang hinala. Mas nagkaroon ako ng pagkakataong makapag-focus sa mga ginagawa nila. At gaya ng dati, si Kuya Nicholo pa rin ang nakatoka na mag-asikaso sa akin. Mas nagkaroon ako ng chance na mas makilala pa siya.

Nalaman ko na si Kuya Nicholo at Kuya Matthew ay parehong may crush kay Ate Jessie. Kaya lang, hindi sila makapanligaw dito kasi strict ang daddy ni Ate Jessie -- si Pastor John, yung pastor sa church nila. Medyo nalungkot ako doon, kasi kung sila nga na matagal na dito ay hindi makaporma kay Ate Jessie, mas lalo na ako! Pero kung may isa mang dahilan na ikinatuwa ko, iyon ay iyong idea na sa babae interesado si Kuya Nicholo.

Kahit papaano ay natutuwa ako sa mga ginagawa dito sa church. Halos lahat ng nangyayari dito ay bago sa akin. Natutunan ko na ring sumama kay mommy kapag Sunday para dumalo ng service. Bago magsimula ang worship service, may group session muna kami, ang tawag doon ay Sunday School -- si Kuya Nicholo ang Sunday School teacher ko. Pagkatapos ng group session, pupunta na kami sa main hall ng church para makinig sa pagtuturo ni Pastor John. Marami akong natututunan dito, at unti-unti ay  napapansin ko na nagbabago na ang ugali ko.

~~~

LUMIPAS pa ang ilang buwan at tapos na ang summer break. Balik pasukan na ulit, and around this time ay active na ako sa pagdalo sa church kaya naman laking paninibago sa akin ng mga kaibigan ko nang magkita-kita kami ulit sa school.

"NOOOO!!!!" Bulalas ni Enrique. "Hindi ikaw si YuKi! Nasaan ang pare namin?"

"Sobra ka naman, pre!" Sagot ko. "Ako pa rin to. Kaya lang, wala talaga akong ganang makipag-inuman ngayon eh."

"Sigurado ako na masama lang ang pakiramdam mo." Ani Gil, ang kakambal ni Enrique. "Bukas, pag ok ka na, inom na tayo, OK?"

"Ayoko nga, pre..."

"Kill Joy!" Paningit naman ni Enchong.

Sila ang mga kabarkada ko: si Enchong at ang kambal na sina Enrique at Gil; kaming apat ang magkakalapit na magkakaibigan dito sa school. Minsan ang tawag samin dito ay F4...

"Hoy, kayo..." May nagsalita sa likuran namin. "Simula ng klase nakatambay na kayo agad!"

Siya si Ivan --- senior namin siya dito sa school; tropa din namin yan. Siya ang pinaka-seryosong mag-aral kaya nga may posisyon siya sa student council. Kanina sabi ko ang tawag sa'min ay F4; pero pag kasama namin si Ivan, nagiging Power Rangers kami. Mas OK na yon, kesa Voltes V.

Macho Hearts Book 4: Generation HWo Geschichten leben. Entdecke jetzt