Chapter 23

1.6K 217 32
                                    

Irene's POV

"Ano kayang nangyari sa kanila?"

"Pasukin na kasi natin!"

"Ano ka ba! Baka may ginawa sila d'yan baka kung ano pa makita natin."

"Oo nga 'no?"

"Kayong dalawa kung anu-ano iniisip niyo!"

"Gusto lang namin magka-apo. Bakit kayo ba? Ayaw niyo?"

"Gusto rin..."

Naalimpungatan ako sa ingay na naririnig ko sa pinto.

Si Kaizer? Ayon ginahasa ko na— este tulog na tulog napagod ata sa biyahe niya.

"Kaizer,"

"Hmm?"

"Gising na. Nand'yan na ata sina mommy." sabi ko sa kanya sabay yugyog sa kanya.

"Mamaya na, inaantok pa ako." sabi nito bago tumalikod sa akin. Napairap naman ako dahil sa naging sagot niya.

"Edi bahala ka d'yan! Basta ako lalabas na." mataray na sabi ko sa kanya bago tumayo mula sa kama.

"Tsk! Oo na. Ito na. Excited masyado!"

Aba! Siya pa galit eh siya na nga ang nakikitulog sa kwarto ko. Palihim ko siyang inaambaan ng tumalikod siya sa akin.

Pagkabukas ko ng pinto nakita ko sina mommy at Tita Jen na parang hindi mapakali.

Anyare sa mga 'to?

Tumingin sila sa akin mula ulo hanggang paa sabay sabing...

"Okay ka lang ba?"

"Much better." simpleng sagot ko sa kanila.

Medyo maaliwalas na 'yung pakiramdam ko. Siguro dahil doon sa ointment at pahinga.

"Sure? Walang masakit?" tanong pa nila.

"Wala po?"

"Sure na sure?!" tanong pa nila.

Ano bang trip problema nila? Bakit kailangan sabay magtanong? Hindi ba sila aware na ang lakas ng boses nila pareho.

"Opo nga po." bumaba na ako at umupo sa salas kung saan nandoon sina kuya at Eurika.

"Hey, sis!" bati sa akin ni Rika habang busy sa pag-iscroll sa phone niya.

"Hi,"

"Okay ka na?" tanong niya bago tumingin sa akin.

"Medyo." tumatangong sagot ko sa kanya.

"Good to hear!"

"Hoy, Kapatid ng Swaeg!" tawag sa akin ng kuya kong conyo.

"Bakit, Kuya kong Swaeg?"

"Wala lang!" tumatawang sabi niya tapos ngumiti siya.

Yuck! Iyong gilagid niya. Ew...

"'Di ka naman nandidiri kay Sain niyan?" bulong sa akin ni Kaizer kaya napatingin ako sa kanya.

Akala ko joke lang na babangon na siya. Natuto na pala siyang panindigan ang mga sinasabi niya.

"Hindi naman. Diring-diri lang ako..." nakairap na sabi ko sa kanya.

"Arte mo naman." sabi niya bago umupo sa tabi ko.

"Tagal na!" nakairap na sagot ko sa kanya.

"Anong nangyari sa inyo at ang tagal niyo sa kwarto?" tanong ni kuya habang nakalolokong tingin ang ibinibigay sa amin.

"Don't look at me like that, kuya! Tapos nakangiti ka pa. Hindi ka ba aware na ang pangit mo?" mataray na tanong ko sa kanya.

"Changing the topic, my dear sister?" nakangising tanong niya sa akin.

Talagang iniinis ako ng lokong 'to ah!

"Duh! Of course not. Natulog lang ako, kami kaya 'wag mo akong tingnan ng ganyan na para bang may ginawa akong mali." sabi ko sa kanya sabay irap.

"Tigilan mo na nga, Ivan si IC!" saway sa kanya ni Eurika.

Hindi niya tinatawag na kuya si Sain kasi ayaw niya at Ivan ang tawag niya kay Sain kasi trip daw niya. Ewan ko rin ba rito kay Eurika!

"By the way, kamusta ka na nga pala, Kaizer?" tanong ni kuya sa kanya.

"I'm okay." nag-aalangang sagot niya kay kuya.

"Balita ko ikakasal ka na raw?" Bigla naman akong napatingin kay Eurika na nakatingin din pala sa akin.

Sarap batukan ni kuya! Talagang itinanong pa iyon eh 'no?

Panget na nga siya, insensitive pa.

"Yeah. Siguro mga one month or depende sa gusto ng future wife ko." nakangiting sagot ni Kaizer kay kuya.

So, anong gusto mong sabihin? Na pwede pa kitang maagaw? No way!

"Invited ba ako?" na-eexcite na tanong ni kuya.

"Syempre, buong Vanguards." nakangiting sagot ni Kaizer.

Mukhang mahal na mahal niya talaga 'yong papakasalan niya.

"Maiwan muna namin kayo. Punta lang kami ni IC sa garden." sabi ni Rika sabay hila sa akin palabas ng bahay.

"Iyak na." walang emosyon niyang sabi.

"Ayoko na. Pagod na pagod na ako." nakangiti kong saad sa kanya.

Isang ngiti na puno ng sakit.

"Pagod ka na? Masaktan o ang mahalin si Kaizer?"

"Parehas? Hindi ko rin alam eh." nalilitong sagot ko. Nagkibit-balikat lang naman siya sa naging sagot ko.

"Isang buwan. Isang buwan or higit pa lang naman akong magpapanggap na masaya habang nand'yan siya. After n'on kakalimutan ko na siya. Totoo na talaga 'to." seryosong sabi ko. This time wala ng halong biro.

"Sure na 'yan ha? Baka mamaya lalo ka lang mahulog." sabi niya sa akin.

"Hindi 'no! Pagod na talaga ako. Maybe i'm destined to be alone forever."

Tama na sigurong tumigil na ako sa kakaasang maibabalik pa 'yong dating meron sa amin ni Kaizer kasi kahit anong gawin ko tapos na 'yong sa aming dalawa. Masaya na rin siya sa buhay niya ngayon kaya dapat ako rin.

Our love story is only part of our past kaya hindi na dapat pang balikan.

Im Inlove with my Future HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon