Chapter 24

1.5K 214 29
                                    

Matapos naming mag-usap ni Eurika ay pumasok na rin kami sa loob.

Wala na sa bahay si Kaizer pati na rin ang mga magulang niya ng pumasok kami sa loob ng bahay.

Umakyat na ako sa kwarto ko at humiga agad sa kama.

Naalala ko naman bigla 'yong nangyari sa amin ni Kaizer kanina pati na rin 'yong pagtulog niya sa tabi ko.

Para kaming bumalik sa dati ng mga oras na 'yon.

"Haynako! Wala ka na talagang pag-asa, Irene. Stop dreaming! Ikaw naman ang nakipaghiwalay diba? So, stop it." mahinang sabi ko sa sarili ko bago ako tuluyang makatulog.

GOOD morning! Ang ganda ng gising ko. Wanna know why? Bumungad kasi ang sarili ko sa salamin.

Ang ganda ko pala talaga.

"Good morning!" nakangiting bati ko sa kanila pagkababa ko sa salas.

"Ganda ng gising mo, IC ah!" sabi sa akin ni kuya ng tuluyan akong makababa ng hagdan.

"Ang maganda ko kasing mukha ang bumungad sa akin eh." nakangiting sabi ko sa kanya.

Feel the vibes lang dapat.

"Lakas ng trip mo, IC!" natatawang sabi sa akin ni Eurika na narinig pala ang sinabi ko.

"Totoo naman eh!" nakanguso kong sagot sa kanya.

Lumapit naman ako kina mom at dad para humalik sa kanilang pisngi.

"Oh siya! Mamaya na kayo mag-asaran. Mag-impake na kayo darating na mamaya ang mga Tita Jen niyo." sabat ni mommy sa amin.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko ng makaupo ako sa tabi ni Eurika.

"Mag-beach tayo!" masayang sabi ni mommy.

"Bitch?" natatawang tanong ko kaya napatawa rin silang mga nakarinig.

"Baliw ka talaga, Irene!" sabay batok sa akin ni Eurika.

Si kuya naman ayun hindi na makahinga sa kakatawa. Mamatay na sana siya.

Iniwan ko na ulit sila at umakyat na sa kwarto ko para mag-impake.

Beach? So, maliligo.

Tita Jen? Ibig sabihin kasama siya. Hays, ganoon talaga.

Tuloy pa rin ang ikot ng mundo, Irene!

Syempre nagdala ako ng swimsuits. Sayang naman kung hindi ma-eexpose ang sexy kong katawan.

Mga short shorts, plain shirts, at mga summer dress lang naman ang inilagay ko sa maleta ko pati na rin mahahalagang gamit.

Bumaba na ako bitbit 'yong maleta ko. Ang suot ko lang ngayon ay short shorts at white shirt na may print na No Boyfriend, No Problem.

"IC, ang bitter mo!" salubong agad sa akin ni Eurika.

Nandoon na rin sina Tita Jen na nakikipagkwentuhan kina mommy. Feeling ko tuloy ako na lang ang hinihintay.

Pero ang napansin ko talaga ay 'yong babaeng kasama ni Kaizer. Maganda siya, siguro siya 'yong fiance niya.

So, kasama pala namin siya. Isang linggong pagpapanggap na walang pakialam sa kanila at hindi nasasaktan?

Kaya ko 'yon! Ako pa ba?

"At bakit naman?" tanong ko sa kanya ng makalapit ako.

"Ganda kasi ng print sa shirt mo eh!"

"So?" nakataas ang kilay kong tanong.

"Napaghahalataan ka kasing bitter." nakangising bulong nito sa akin.

"Para namang ikaw hindi!" sabat ni kuya sa amin na narinig pala ang sinabi ni Eurika.

"Oo nga! Sa pagkakaalam ko lahat ng nakikita mong magboyfriend isinusumpa mo." natatawang sabi ko sa kanya.

"Tse. Ewan ko sa inyo!"

"Ayan na pala si Irene. Lets go na!" sabi ni mommy.

"Anyare sa prinsesa ko at nakabusangot na ang mukha? Kanina lang ang lakas mong mang-asar ah?" tanong sa akin ni dad habang palabas kami ng bahay.

"Nothing, dad." nakangiti kong sagot.

Ngumiti lang si dad sa akin at umuna na sa pagkalakad. Tumabi naman sa akin si Eurika.

"Kaya mo ba?" tanong niya sa akin.

"Oo naman!" alam ko naman kung para saan 'yong tanong na 'yon.

"Basta nandito lang ako ha?" tumango na lang ako.

Si Tito Kurt ang mag-dadrive habang si daddy naman 'yong nasa tabi niya. Sina mommy at Tita Jen naman ay nasa sumunod na row habang 'yong dalawang lovebirds ay nasa unahan namin. Kami kasing magkakapatid ang nasa dulo.

Alangang may isang tumabi sa amin sa dalawang 'yon.

Oo na, bitter ako. Kaya pala ito ang napili kong suotin dahil sa dalawang 'to.

"Iyong mukha mo baka hindi na maayos 'yan mamaya. Relax lang! Walang forever kaya maghihiwalay din sila." bulong sa akin ni Eurika.

Napaka-bitter talaga nito. Dito ata ako nagmana ng pagiging bitter eh? Tsk!

Grabe ang sarap pumatay. Dapat kasi ipagbawal na rin ang mga naglalandian sa public eh.

'Yong dalawang nasa unahan kasi namin sobrang sweet. Sana nga langgamin sila at mamatay na sa kagat ng langgam.

Bwiset! Noong naging kami naman hindi siya naging sweet sa akin ng ganyan.

"Syempre iba siya sa'yo at iba rin siya sa babaeng mahal talaga niya!" sigaw sa akin ng utak ko.

Alam ko naman 'yon eh pero hindi ko naman maaalis sa akin ang masaktan.

"Akala ko ba hindi ka na masasaktan? Akala ko ba kakayanin mo ang sakit? Hindi pa nakakalipas ang isang araw talo ka na agad. Isang linggo 'yun, oy! Kayanin mo kung ayaw mong magmukhang kawawa." sabi ulit ng utak ko sa akin.

Isang linggo lang, Irene. Kayanin mo para sa sarili mo. Hindi ka na tatakas sa problema ngayon kasi mas lalo ka lang mahihirapang harapin ang lahat kaya fighting!

Im Inlove with my Future HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon