Chapter 49

9.7K 396 16
                                    

"Masaya ang pamilya ng mga Villegas. Kahit na palaging busy ang Mommy ni Van, anjan parin ang Daddy nya para punuin ang pagkukulang ng isang Ina sa kanila.. kahit na pagod si Sir Reid galing trabaho, o kahit busy pa ito, hindi nya parin ito naging dahilan para hindi nya nilalaro o bibigyan ng oras ang kanyang mga anak. Hindi katulad ni Madam Vannie, palagi nalang syang tutok sa trabaho. Wala ng ibang inatupag kundi ang trabaho nya, asikaso sa company nila at pupunta ng ibang bansa. Hindi nga masyadong nakakauwi ang Mommy nila Van. Pero okay lang kay Sir Reid, dahil trabaho naman ang inaatupag ng kanyang asawa. Kahit na namimiss ni Van at ng kanyang kapatid na lalake ang kanyang Mommy, palagi nalang silang kinukulit at pinapasyal ng kanilang Daddy para lang mabawasan ang lungkot nilang magkakapatid..." - Lerry

Anu yun? Kapatid na lalake? Diba babae kapatid ni pandak? Sino naman yung lalake? (⊙o⊙)

"May lalakeng kapatid si pandak--este yung alaga mo?"

"Oo. Older brother nya. Si Vanther Vinn." - Lerry

"Eh sino naman si--"

"Si Anne? Yung babae? Di nya kapatid yun." - Lerry

HA??? hoooomaaay naguguluhan na talaga ako. Juskoo uso ba ngayon ang confusion?  ̄ω ̄

"Ipagpapatuloy ko na ba?" - Lerry

Tumango lang ako bilang sagot.

"Close na close si Vanther at Vanellope sa isa't-isa. Sobrang close nung dalawa, daig pa ang mag syota ehh. Haha ang cute nilang tingnan. Mahal na mahal ni Vanther si Van. Palgi nya itong binubuhat, nilalaro, nilulutuan, tinatabihan matulog at kinakantahan para makatulog yung kapatid nya. Palagi nya itong pinapatawa kahit magmukha na syang timang sa harap ng maraming tao, okay lang basta nakikita lang nya na masaya at tumatawa si Van. Alam mo yung tawa na kahit masama yung loob mo pero napapagaan ng dahil lang sa isang ngite o tawa nya? *ngiti* ang bait-bait ni Vanellope. Sweet sya, napaka-caring nya at lahat siguro ng positive side ng isang tao nasa kanya na."

Sweet? Caring? Lahat ng positive side? Parang masyadong nakaka-bigla.

Nakatingin lang ako sa puno ng mangga habang nakikinig sa mga sinasabi ni Lerry. Halatang-halata na masaya syang nagkukwenro ng buhay ng mga Villegas.

"Hanggang sa.. nangyari ang hindi inaasahan naming mangyari."

"Si Madam Vannie.. nangaliwa."

Napakunot ang noo ko.

"Akala namin noon, kaya sya palaging umaalis ng bansa para sa isang business trip. Yun pala.. may iba na sya dun."

Napatungo si Lerry.

"Ang masakit pa dun.. si Vanellope ang nakahuli na nangangaliwa yung Mommy nya."

Napatingin ako sa kanya.

Nakatungo parin si Lerry at halatang-halata sa boses nya ang sobrang lungkot.

"But-but how?"

"Hindi namin alam. Umiyak lang kasi sya tapos nagtanong sa Daddy nya kung sino yung kahalikan ng Mommy nya. We we're shocked ofcourse but at first, we didn't mind it dahil baka nagkakamali lang sya. Then days past, when Sir Reid saw it on his two eyes that his wife is having an affair."

Well it must be really painful to her. But-

"I don't get it. If that's the only reason why she's acting like she had been carrying all kinds of problems, does it sounds too weird?"

Bad Girl MEETS Bad Boy (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon