Chapter 92

5.3K 193 15
                                    

Anne's POV

"Kung ako parin yung iniisip mo, bakit hindi ka umuwi?" galit na tanong ni Vanellope sa nakakatandang kapatid nya na si Vanther

"It's not that i'm n--"

"Ilang taon din akong naghintay sayo simula nung umalis ka! Ilang taon din sinayang ko para kumbinsihin ang sarili ko na babalikan mo ko pero hindi ka bumalik!" naiiyak nyang sabi kay Vanther

Ang putla na nya. Andaming dugo ang tumalsik sa damit, kamay at mukha nya. Lalo na sa kamay nya. Alam kong may sugat sya kasi naka bandage ito. Pero sa nakikita ko ngayon, hindi sya nasasaktan sa sugat nya. Nasasaktan syang makita si Ten na naliligo ng sarili nyang dugo at lalong-lalo na kay Vanther. Seeing her crying makes me feel more guilty even more

"Alam mo bang mas masakit pa yung pang iiwan mo kesa sa pangbubugbog ng walang kwentang babae na yan? Mas masakit yun! Dahil wala akong masasandalan!!" Umiiyak parin sya

"Yung pambubugbog nya makakaya ko yun! Pero yung sakit at sugat na binigay mo sakin dito.." tinuro nya yung puso nya habang umiiyak

"Yun ang mas masakit! Hindi yun basta basta gumagaling!" Hindi nakapagsalita si Vanther. Like her, umiiyak din sya. Alam kong nasasaktan din sya sa nakikita at naririnig nya ngayon

"Sobrang sakit ang makita ka.." mas lalo syang umiyak

"Para akong paulit ulit na sinasaksak ng dahil sayo.. alam mo kung bakit?"

"*sniff* kasi ng dahil sayo.. *sniff* .. sirang-sira na ang buhay ko. Matagal ng sira ang buhay ko ng dahil sa pangangaliwa ng walang kwentang babae na yan! Pero.." galit nyang sigaw kay Mommy kaya nagulat sya. Umiiyak din si Mommy. Hindi ko alam kung nalulungkot ba sya o palabas nya lang ito

"Pero nanjan kayo para punan yun lahat ehh.. lahat ng pagkukulang ng isang Ina, ginawa nyo kaya natuto akong makuntento pero sa ginawa mo? Yun ang ikinasisira ng buhay ko. Nawalan ako ng direksyon sa buhay. Natuto akong makipag away. Magalit at pumasok sa isang bagay na hindi dapat pasukan lalong lalo na sa edad at katangian ko.."

"Pero nagbago yun lahat ng makilala ko yang bata na yan.. *sniff* bakit ba? Bakit nyo sya pilit na kunin sakin?"

"ANO BA ANG GINAWA KONG MASAMA??!!!" galit nyang sigaw habang umiiyak. She pulled the trigger on the rooftop because of frustration.

"Pagod na.. pagod na ako.." mahinang sabi nya pero dinig na dinig namin. Napahawak sya sa noo nya habang umiiyak. Walang isa ang nakapag salita sa amin sa sobrang gulat sa mgapangyayari. Lalo na yung pagpatay nya sa lahat nga mga tauhan ni Mommy

Tinutok nya yung baril nya sa ulo nya habang panay parin ang patulo ng mga luha nya kaya mas lalo akong kinabahan

"V-va-vanilla.. please.." pagmamakaawa ni Vanther sa kanya habang umiiyak

"Isang bala nalang ang natira dito" sabi ni Vanellope habang nakatutok parin yung baril sa ulo nya

Si Mommy napasigaw na sobrang kaba

"That's not the solution Vanilla! Please! Let go of that gun.." naiiyak na sabi ni Vanther sa kanya

Umiiyak parin si Vanellope habang tinutok ang baril sa ulo nya

Think Anne! Mag isip ka kung paano mo mapapatigil yang ginawa nya!!

Nilibot ko yung paningin ko sa bodega pero wala akong maisip na paraan hanggang sa napako ang tingin ko kay Ten

You can't die now, Ten!! Kailangan ka ng ate mo!!

Pinilit kong kumawala sa pagkakahawak ng mga lalaki sakin pero wala akong sapat na lakas kaya kinagat ko yung isang braso ng lalaki kaya napabitaw sya. Yung isa naman tinuhod ko sa may maselan na bahagi ng katawan nya kaya napabitiw sya. Lumapit ako kay Ten. Pinulsuhan ko sya.

Bad Girl MEETS Bad Boy (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon