Chapter 3

266 18 0
                                    

Jasmine's POV

OH YEAH. Thank God It's Friday! Napaka-saya ko talaga tuwing biyernes. Syempre, sabado kinabukasan at walang pasok! Wooo! Party!

P.E uniform susuotin namin ngayon. At—everytime na sinusuot ko 'to, may nangyayaring maganda. Haaay, gusto ko tuloy umasa na makikita ko na si Mr.nakasuot ng blue na polo sa profile niya. Kaso, Masakit kasing umasa eh. Mas okay na yung nasusurprise ka, kaysa naman sa aasa ka.

Sinuot ko na yung I.D ko at nagpaalam na kay mama. Oo, kay mama lang kasi nasa trabaho ang papa ko. Nasa manila siya, may negosyo kasi kami dun.

Pumunta nako sa school, at habang papunta ako nagdadasal ako na sana magkita na kami ni Mr.nakasuot ng blue na polo sa profile niya.

Ano kayang magiging reaction ko kapag nagkita na tayo? Hay! Sana makita na kita.

Ngumiti ako para mabawasan yung pagkasabik kong makita si Mr.nakasuot ng blue na polo sa profile niya.

Think positive! Aja!

"Bayad po, paki abot. Sa may Clara high school po" sabi ko sabay abot ng bayad ko sa jeep.

Oo jeep, PK (Poor Kid) lang kasi ako ngayong buwan ng august, nasira kasi yung sasakyan namin at walang mag-aasikaso. Sa buong buhay ko, dalawang beses palang akong nagjeep. Pangalawa na 'to. Ang saya pala no? 😂

"Usog tayo. May sasakay!" Sigaw ng driver.

Napasimangot ako.

Bakit pinipilit niyang magkasya kahit sobrang sikip na?

Nakakainis!

Sinasabi niya lagi na pwede pa, pero di naman na talaga.

Ay, humuhugot na ako.

"Para po." Sabi ko.

Pumasok na ako sa school habang nginingitian lahat ng nakakasalubong ko.

Tumingala ako at nakita ko sa may 3rd floor yung room nila Mr.nakasuot ng blue na polo sa profile niya.

Hay, akala ko pa naman nasa labas siya ng classroom, edi sana nagkita na kami!

What if.... Puntahan ko siya? Ay wag na, pangit tignan.

Binalik ko nalang yung atensyon ko sa paglalakad, baka kasi madapa pa ako't makagawa pa ako ng eksena dito.

Nakita ko sila mae and mich na naka-upo sa may tapat ng classroom namin.

"Oy ja! Free day daw 'to." Sabi ni mich.

"Ha? Anong free day?" Tanong ko.

"Libreng araw." Sabi naman ni mae.

"Che! Alam ko yung tagalog niyan, pero what do you mean? Free day? Walang gagawin ganern?" Sabi ko naman.

"Yas yas yas! Kaya dito nalang tayo't maghintay hanggang recess" sabi naman ni mich.

M.U (GUYS ANG JEJE NITO WAG NIYO NA BASAHIN GRADE 8 PALANG AKO DITO HAHAHAA)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora