Chapter 34 The Heart Disease

594 26 1
                                    

Elise POV

"Kyaah!! Talaga girl? Ano masungit ba yung mommy nya? Masungit in a way na mukhang witch sa mga fairy tales?"

"Wait lang kasi patapusin mo muna kaya ako ng malaman mo."

"Okay sorry. Game kwento na dali." sabi ni Coleen. As usual nandito na naman sya sa kwarto ko at binubulabog na naman ako para kwentuhan sya. Tsk.

"Teka nga muna, bakit nandito ka pala? Wala ba kayong lakad ni Prince?"

"Hay naku te, minsan nakakasawa rin na araw-araw kaming magkasama ng jowa ko, baka pag-araw-araw kaming magkasama ay magsawa agad ako sa kanya edi kawawa sya." Napataas ang kilay ko sa sinabi nya.

"At talagang ikaw ang magsasawa ha?"

"Oo naman aba sa ganda kong to, ako pagsasawaan? Nevah!" sabi nya. Natawa na lang ako. "Teka nga wag mo nga ibahin yung usapan, ikwento mo na yung about sa parents nya."

Inirapan ko na lang sya at pinagpatuloy ko ang pagkukwento.

"Alam mo ngayon pa lang naiinis na ako sa Bianca na yan. Sana lang wag magtagpo ang landas namin kundi naku lang talaga!" sa dami ng kinuwento ko sa isang tao lang pala sya magfofocus. Minsan magulo rin tong taong to eh.

"Hayaan na nga natin sya. Wala na akong pakialam sa kanya ang mahalaga ako na ang present ni Dark."

"Aba dapat lang! Hindi ka dapat magpaapekto sa babaing yun noh!" Napailing na lang ako sa inasta sya. Kaya mahal ko tong babaing to eh.

Maya-maya ay naramdaman ko na naman na parang hindi na naman ako makahinga.

"Hey, what's the problem?" nagtataka syang lumapit sakin habang ako ay nakahawak sa dibdib ko.

"Hi..hin..di.. A..ko maka..hinga.." nahihirapang sabi ko.

"What!? Teka, sandali anong gagawin ko?" natatarang sabi nya.

Hindi na ako nagsasalita dahil sobrang sakit ng dibdib ko at hindi ako makahinga. Tinuro ko na lang sa kanya kung saan nakalagay yung inhaler ko at sya naman ay nagtatakang tiningnan kung ano yung tinuro ko.

"Ow shet! Yung inhaler mo pala!" natatarang kinuha nya ito at iniabot sakin.

Maya-maya ay umayos na rin yung pakiramdam ko.

"Ano okay ka na?" tanong nya. Tumango lang ako bilang sagot.

"Alam mo sa tingin ko, hindi lang basta hika yang sakit mo eh. Kung magpatingin ka na kaya sa doctor?" napatingin ako sa sinabi nya at isang iling ang isinagot ko.

"Hindi na kailangan, alam kong simpleng hika lang to. Dont worry about me, ayos lang ako."

"No. Hindi pa rin ako satisfied sa sagot mo. Tara na sasamahan na kita sa doctor."

"Pero Coleen-"

"No buts, Elise. Para sayo rin to. Sa gusto at sa gusto mo, pupunta tayo ng doctor at ipapacheck up kita. Dont worry may kilala ako na magaling na doctor." Wala na akong nagawa kundi ang sumunod na lang. Tsk, bat ko ba kasi nakalimutan na makulit ang babaing to. Sa gusto at gusto mo? Eh wala naman akong pagpipilian dun.

Pagbaba namin sa sala naabutan ko sila kuya na nanunuod ng t.v. Himala at nagkasundo ang dalawang to na manuod ng iisang palabas.

Sabay silang napalingon samin.

"Oh bunso, may lakad kayo ni Coleen?" tanong ni kuya Chan.

"Oo kuya may pupuntahan lang kami."

How to Date a Womanizer and Break his HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon