Chapter 49

479 21 4
                                    

Elise POV

-_-

Ganyan. Ganyan ang tingin sakin ni Coleen. Nandito sya sa kwarto ko at mula ng madischarged ako ay ganyan ang itsura nya.

"Ano bang tingin yan?" tanong ko. Mababaliw na kasi ako sa tingin ng babaing to eh.

Inirapan lang ako.

"Wala ka man lang pasabi kung saan ka nagpunta! Nakakainis ka!" reklamo nya at humalukipkip.

"Sorry na. Salamat sa concern mo. Nag-alala ka pala sakin." Tinaasan ako ng kilay.

"Sino may sabing nag-alala ako sayo? Naiinis lang ako kasi di mo ko sinama sa bar hopping mo! Alam mo namang trip ko yung mga ganyan eh diba? Hahaha." Sabi nya sabay tawa ng nakakaloko. Tsk. Inirapan ko nga. "Uy sya nga pala may chichika ako sayo hehe.

Tinaasan ko nga ng kilay na parang nagsasabing spill it.

"Guess who kung sinong nagdala sayo sa hospital."

"Akala ko ba may ichichika ka eh mukhang hulaan yung mangyayari eh."

"Ba yan! Kj mo! Dali na."

Psh. Fine!

"Oo na! Si Nathan?"

"Nope!" Nakangiting sabi nya.

"Ayoko na! Sabihin mo na nga."

"Psh. Short tempered. Si Drew nagdala sayo." Nagulat ako. Si Dark?

"Si Dark? Bakit? Paano? Anong ginagawa nya dun?" Sunod-sunod na tanong ko. Nakangiti lang sya ng nakakaloko.

"Haha. Easy. Di ka naman excited malaman?"

"Haha. Dali na ikwento mo na!"

"Okay, ganito kasi yun. Nagulat ako kasi si Drew nandun akala ko nga si Nathan eh. Tinanong ko sya kung anong ginagawa nya dun at sabi nya nagkataon lang daw pero ako naman syempre di ako naniwala. Alam mo tingin ko mahal ka pa ni Drew. Nadadala lang sya ng galit."

Ako? Mahal pa ni Dark?

"Bakit.. Bakit wala sya nung magising ako?"

"Uhm.."

"Ano?"

"Eh kasi, nagkaroon ng away? Haha." Away? Sino? Inirapan ko sya.

"Alam mo kinukwento yan lahat eh."

"Oo na eto na. Short tempered."

Flashback

Coleen's POV

"What happened to her?"

"She passed out. Nag-inom sya, nagpakalasing sya at alam mo naman siguro na dahil sayo yun diba? Drew maniwala ka sakin, yung contract dati pa yun—"

"Im not here for that. I need to go." tatalikod na sana sya pero pinigilan ko.

"Bakit nandun ka? Anong ginagawa mo sa bar na yun?"

"Why do you care?"

"I just want to know."

"Its just a coincidence." Sabi nyang umiwas ng tingin sakin. Hmmp. I know naman na nandun sya para kay Elise.

"What are you doing here?!" Nagulat ako ng lumabas si Kuya Christian at sinigawan si Drew. Oh-oh!

"Kuya Chan, calm down!"

How to Date a Womanizer and Break his HeartWhere stories live. Discover now