Page 13

643 23 1
                                    


" Mr. Bach, it's been quite some time. Kay ganda naman ng batang dilag na kasama mo ngayon. "
Galing sa isang bisitang lalaki na lumapit sa amin.

" Ah, oo, sorry for not keeping in touch ."
Magalang naman na sagot ni Ashton sa bisita.
Sa gabing iyon, ay nakipagpalitan ako sa mga iba't ibang pakikisalamuha sa hindi mabilang na mga bisita, sa party at tumitingin habang nakipagbigayan ng ngiti.

Hindi ako payag sa ganito, pero okay lang ba talaga ang ganito?

Ang presensya sa tabi ni Ashton ay naging dahilan kung bakit nabigyan ako ng titulo na " Mr. Bach's GF" lagi. Siguro ganito ang lenggwahe ng isang high society, walang kompirmasyon o pagdedeny ng kahit ano, Lumakad si ashton mula sa mga tao, nanatili ang maaliwalas na ngiti sa mukha niya buong oras.

( Girlfriend ako ni Ashton.. parang gustong-gusto niya akong tratuhin ng mabuti.. pero iyon ay dahil sa mabait siya sa kahit sinong babae. At iyon ang ikinababahala ng kalooban ko. )

" Pagod ka na ba? Parang medyo wala ka sa sarili mo. Gusto mo bang mag pahingi saglit banda d'on? "
Tanong sakin ni Ashton ng mapansin niyang nakatulala na pala ako.

" um, ok salamat. "

Tumungo kami sa patungo sa isang terrace para makahinga ng sariwang hangin. Nadama ang lamig ng hangin, bigla akong nakahinga ng malalim.

" Masakit siguro ang mga paa mo. "

" Hindi, para nasanay na ako sa high heels na ito sa wakas."

" Mabuti naman. Pero medyo nadismaya ako. Akala ko sa wakas ay mahahawakan na kita sa bisig ko para maalalayan ka. "

" Naku.. gusto mo talaga magsalita ng ganyan, bakit nga ba? "

( Naisip ko kung alam kaya niyang ang lakas ng kabog ng puso ko. Kung alam niya at pinagpatuloy pa ito, napakasama niya naman. )

Wala akong makitang kahit na anong clue sa totoong nararamdaman ni Ashton mula sa sinasabi niya o sa kung paano niya ipakita ito.

" Magandang ideya ba talaga na dalhin mo ako sa party na 'to? "

" Bakit mo tinatanong? "

" kasi.. hindi ako masyadong confident sa sarili ko. First time ko sa ganitong party. Hindi ako social type na tao. "

" Not at all. Sa totoo lang ito ang pinakarelax na party na dinaluhan ko, ang makasama ka ngayon. Napakaganda mong ka date. "

( nakatayo lang ako at tahimik sa tabi mo... dahil inaya mo akong pumunta kasama ka. )

" Sana nakinig ang lahat katulad mo.
Sambit ni Ashton at huminga ng malalim. Tumingin siya sa baba ng may malungkot na ngiti, mula sa ekspresyo niya, parang may nakita akong paghihirap.

( Iniisip ko kung imahinasyon ko lang yon. )

" Nang dahil sa inimbita ko sila sa isang party.. bakit iniisip nilang girlfriend ko na sila? Ang unang bagay na sinasabi ko sa kanila ay hindi ako interesado sa kahit anong seryosong bagay at dapat alam nila iyon. Inimform ko na sila mula sa umpisa na hindi ako interesado na magpakasal. Kaya bakit lagi nilang nakakalimutan iyon? "

( tungkol ba ito sa babae kanina na umalis habang umiiyak? O dahil sa lahat ng babaeng nadala niya bilang ka'date sa ganitong party? )

Siguro tungkol nga ito sa lahat ng babae na naging interesado sa kanya at sinubukan makipaglapit.

( walang seryosong nobya si Ashton, at hindi siya kasal. Nasa dugo niya ang maging playboy. )

Nakita ko ang totoong Ashton habang hinahayaan niya ang sarili na mailabas ang nararamdaman niya sa hindi malamang rason, nakadama ako ng matinding kalungkutan para sa kanya.

The Suit Lover (COMPLETED)Where stories live. Discover now