Chapter 4

515 24 1
                                    


Confused?

Dedicated to @FrustratedGirlWriter

[1]

" Hindi na siya babalik ngayon, di ba?"
Kahit na sinabi niyang hindi na siya babalik, ay tingin ko babalik siya at ilang punto kaya nanatili ako kahit na sa oras na para makauwi. Buong araw, ay tahimik akong nagtatrabaho, pero ang bigat na nararamdam ng dibdib ko ay hindi mawala.
Paano nalaman ni Ashton ang tungkol sa date namin ni Raul?. Narinig niya sa meeting room nong inaya ako ni Raul? Kung posible iyon, hindi ko gusto na malaman ni Ashton iyon. Parang mali ang ideya niya at naisip niya na seryoso kaming nag dadate ni Raul at hindi lang iyon parang na'misunderstood niya rin ang rason kung bakit na late ako ngayong umaga. Ayaw kong magpadala ng maling mensahe kay Ashton pero kahit na, si Ashton nasa bad mood ba siya? Unang pagkakataon iyon na makita ko siya sa ganoong mood. Kahit anong mangyari,  kahit na sa mali sa business client ay hindi magiging problema ay kalmado lang siyang nakangiti kaya nakakabigla ang malamig niyang trato.

" ok. Uuwi na ako."
Ang maghintay pa ng matagal ay sayang lang sa oras, kaya naghanda na ako para umuwi pero, gusto ko talagang ilabas ang bigat na nararamdam ng dibdib ko. Sa isip ko, ang pangalan ng isang restaurant ay bigla lumitaw sa isip ko.

Anong gagawin ko ngayon.. hindi kailangan mag alangan, ngayon ang perfect time para pumunta sa lugar na iyon.

Sa  LadyV's Bar.. pagkabukas ko ng pinto.

" Welcome! "
Katulad ng nakaraan, tinawag ako ni Matt.

" hmm. Mag isa ka lang, ngayon? Please, halika rito."

" good evening."
Ang lugar na binisita ko ay ang bar na pinagdalhan sa akin ni Ashton sa unang araw bilang sekretarya. Pinakita sakin ni Matt ang upuan sa counter. Walang ibang nandoon.. tanging ang tunog lang ng Jazz.

" Ano ang gusto mo? "
Tanong ni Matt sa akin.

" hmm. Meron ka bang maiirekominda? "

" tignan natin.. how about a bellini? Meron itong puti na peach. Isang itong sweet cocktail na popular sa mga babae. "

" sige, iyan na lang."
Bago, pinanuod ko siyang ibuhos ang iba't ibang inumin sa isang shaker at ginalaw ito ng paulit ulit. Natapos niya ang pag gawa ng cocktail ng mabilis at nilagay sa glass sa harap ko.

" here you are. "

" salamat. "
Sinimsim ang bagong gawa na cocktail, ay nalaman kong matamis at madali siyang inumin. Siguro dahil nakita ko kung paano gawin ang cocktail sa harap ng mga mata ko pero,  kompara sa noong nakaraan, pakiramdam ko may ibang flavors na hinalo. Sa bawat simsim ko, tulad sa loob ng puso ko maraming emosyon ang nakahalo-halo. Pero, hindi gumawa ng kulay katulad ng cocktail dito.

Bigla, aksidente akong bumuntong hininga habang naiinis sa sarili.

" May nangyari ba?"
Biglang tanong ni Matt.

" Hm? "

" Mukha kang wala sa sarili mula ng lumakad ka papasok ng pinto. "

" paano mo nasabi? "

" kung may gumugulo sayo, pag nilabas mo yansa dibdib mo ay gaan ang pakiramdam mo..  kung sasabihin mo iyan ay makakatulong  iyan para ma organize ang iniisip mo. "

" hindi ko alam kung anong gumugulo sakin. "

" wag kang mag alala.wala akong sasabihin kay Ashton. "

The Suit Lover (COMPLETED)Where stories live. Discover now