Chapter Sixty - Eight

3.5K 135 19
                                    

+

" Lei !!!" Sigaw ni Lexann nang makita ang dalaga na papalabas na nang Campus .. agad namang ngumiti si Lei at tumakbo papunta kay Lexann ..

" ohh ?? Hindi kaba pumasok ?" Takang tanong nang dalaga nang makitang naka sibilyan lang ito .. umiling naman si Lexann ..

" Nope .. may inasikaso kami .. sila Dave at aaron nasa bahay hindi ko alam kung paano sila nakaalis dito sa school .. kaya naman sinundo nakita !! Yayain sana kitang mag dinner " nakangiting tugon ni Lexann sa dalaga .. napangiti naman si Lei sa nalaman ..

" Oo ba .. game ako diyan " masayang wika nito at naglakad na nag dalawa ..

" Tsk !! Look at that Bitch " wika naman ni Dara habang nakatingin kela Lei at Lexann ..

" ang saya saya pa ng sardinas girl nayan " usisa naman ni shane .. napa kuyom ang kamay ni Dara sa sobrang inis ..

" tomorrow .. tomorrow i swear !! She'll regret everything !!" Tiimbagang wika ni Dara at sinilayan nalang sila Lexann at Lei na sumakay nang kanilang sasakyan ..

+

" Yunan ?? Kamusta na ang paghahanap niya sa kambal niya ??" Pabulong na sabi ni J.L sa binatang si yunan .. kasalukuyan silang nasa balcony'ng dalawa at iniwan muna ang kabataan sa sala ..

" hindi pa niya nahahanap ... nag aalala na nga rin ako .. dahil ang bilin ni Axle kailangan mahanap ang kambal bago tumuntong ng labing walo sila Kristen at Lexann " wika naman nito at napatingin sa kabataan na masayang nag uusap usap sa sala ..

Napayuko naman si J.L sa nalaman !!

" ginagawa nanatin ang lahat .. inungkat nanatin ang nakaraan ..pero wala talagang ibang paraan para walang mamatay sa huli " sabi pa ni J.L .. napapikit naman ang binata at inalala ang mga nangyari past 12 yrs ago ..

+

12 years ago ...

" Mommy .. Kris is acting weird again ... " sigaw ni Lexann sa kanyang mommy kasalukuyang magkasama sila J.L at si Ysa sa kusina at naghahanda nang pagkain .. binaba naman ni ysa ang kanyang apron nang unahan na siya ni J.L

" ako na ate " sabi nito at tumungo na sa kwarto ni Kristen ..

" Thanks J.L " sigaw ni Ysa sa kapatid ..

Tinungo naman ni J.L ang kwarto nang pamangkin at napahinto ito nang makarinig siya na parang may kinakausap ang batang si Kristen sa kanyang kwarto ..

" really dad ?? Killing is not bad unless your doing it for your loveones ... " nagulat si J.L sa marinig at napasilip sa pinto at laking gulat niya nang may hawak na kutsilyo ang pamangkin ..

Agad itong pumasok ..

" Kristen !!!" Sigaw ni J.L agad napalingon ang batang si Kristen sa kanya .. nakangiti ito .. at parang ibang bata na ..

Agad namang umakyat si Ysa sa kwarto nang anak at lumapit agad kay Kristen ..

" baby .. what are you doing ?" Sita ni Ysa sa Anak ..

" mommy... daddy told me to kill people " sabi nito nagulat naman si Ysa maging si J.L sa sinagot ng anak ..

Laging ganoon si Kristen simula nang lumaki ito ay lagi nitong sinasabi na nakikita niya ang kanyang daddy kaya naman nabahala na si Ysa na baka namana ito nang anak na babae sa kanyang ama ..

Makalipas ang ilang araw ay humingi na nang tulong si Ysa kay Axle .. para ma protektahan ang anak laban kay Lexin ..

" isuot mo ito sa kanya .. at wag na wag mong tatanggalin .. makakalimutan niya na nakilala niya ang kanyang ama at mawawala lang ang bisa nito pag tungtong niya nang ika walong taon " bilin ni Axle sa kaibigan .. inabot nito ang bracelet sa kanya ..

Tinignan naman ni Ysa ang anak niya na nakikipag laro sa anak ni axle na lalaki ..

" salamat Axle " wika ni Ysa sa kaibigan .. hinawakan naman nito ang kanyang likod ..

" ano kaba basta ikaw !!" Nakangiting sabi nito at tinignan nilang dalawa ang mga anak na naglalaro ..

" Kristen darling .. come here for second please " tawag ni ysa sa anak .. tumakbo naman ang batang si Kristen sa ina ..

" mommy" masayang tawag nito .. lumuhod si ysa sa anak at inabot ang kamay nito ..

" mommy has a present for you " sabi nito sa anak at inilabas ang bracelet na binigay ni Axle .. napangiti naman si Kristen at inabot ang kanyang kamay at sinuot na ni Ysa ang bracelet at bigla nalang nawalan nang malay si Kristen ...

" she'll be alright .. pag gising niya ay normal na bata nalang siya .. " sabi pa ulit ni Axle .. nakahawak na ang kamay ng anak ni Axle sa kanya ..

" salamat ulit .. mauuna na kami mag iingat kayo " sabi ni Ysa at umalis na sila .. nakatanaw naman ang anak ni Axle sa batang si kristen ..

End ...

Sa makalawa na ang kaarawan nila .. kailangan nanamin mahanap ang isa pang kambal ..

Sabi ni J.L sa sarili ..

" sana may magandang lead tayo kung kanino pinaubaya ni Charm ang isa sa kambal bago siya patayin ni aariane .. " wika nang detective ..

Si arriane ang pumatay kay Charm .. pero bago ito mangyari ay sinigurado ni charm na napag hiwalay na niya ang kambal at pinaubaya ito sa mga mapag kakatiwalaan niya ..

" sabihin mo muna kay Lexann ang kalahati nang impormasyon yunan .. ang na titira .. gusto kong ako na ang maghanap sa isa pang kambal .. ayokong malaman nila Kristen at Lexann at tungkol sa kanila .. nangangamba ako sa kinikilos ni Kristen .. " wika naman ni j.L ..

Tumango naman si yunan sa kanya !!

" kung yun ang makakabuti .. basta gagawin ko lahat nang makakaya ko para sa kapatid ko " wika pa ulit ni yunan at tinignan ang kapatid na nasa sala at nakikipag sayahan sa mga kaibigan nito ..

+

Campus Queen : The Curse Of The Past ( Book 2 )Where stories live. Discover now