3

862 65 4
                                    

3

Tahimik na naghahanda ng makakain si Jimin ng gabing iyon. Iniisip nya kung anong magandang paksa para sa isasali nyang kwento sa darating na Festival sa eskwelahan nila. Marami-rami na rin syang naisip pero hindi nya ito masimulan o kaya matapos kaya hindi din sya makapagsimula talaga ng maayos.

Simple lamang ang kakainin nya para sa gabing iyon. Hindi naman kasi sya mapili sa pagkain kay kahit anong ihain sa kanya ay ok lang.

Maraming nangyari sa kanya sa loob ng isang linggo, sunod-sunod ang mga exams at projects ng mga teachers nya pero kahit ganon ay ni minsan ay hindi nawala sa isip nya si Jungkook. Matapos yung nabalitaan nya ay nagtry syang puntahan ang mga dating hideout nito at tambayan pero bigo sya, mukhang ayaw talagang magpakita ni Jungkook sa kanya.

Patuloy pa rin sya sa pag-iisip ng magandang paksa. Gusto nyang muling manalo dahil baka sa paraan na iyon ay muli nyang makita si Jungkook.

Noong nakaraang taon kasi ay ang unang beses na nanalo sya sa nasabing patimpalak at nagulat sya ng makita si Jeon Jungkook sa labas ng eskwelahan nya at hinihintay sya kaya ngayon at gusto nyang maulit ito lalo pa't ilang buwan na silang hindi nagkikita.

Bakit may mga taong madaling manghusga?

Na kahit hindi naman talaga nila alam ang tunay na pangyayari ay may nasasabi sila?

Isa-isang pumasok sa isip ni Jimin ang mga nagyari noong nakaraan kaya nakabuo siya ng mga katanungan.

Dudugtungan pa sana ni Jimin yung nasimulan nya ng biglang magvibrate yung cellphone nya.

Isang unregistered number ang nakarehistro sa screen.

Hindi sya yung tao na sumasagot ng tawag mula sa mga unregistered number pero simula nung magpasyang umalis si Jungkook sa lugar nila ay nasanay na sya.

Nanginginig ang kanyang kamay habang inaangat yung cellphone. Dahan-dahan nya inislide yung icon ng 'Answer' at inilagay iyon sa tenga nya.

"Hello?" bati nya.

"Hyung! Tulungan mo naman ako Hyung! Nandito ako sa Lee Memorial Hospital" bigla na namang kinabahan si Jimin, hindi kaya't napa-away na naman si Jungkook?

"Anong nang--" hindi na natapos ni Jimin yung sasabihin nya ng magsalita ulit si Jungkook.

"Basta Hyung mamaya ko na ipapaliwanag, pumunta ka na lang dito"

His Worth (#JiKook)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن