5

745 59 11
                                    

5

Hindi maiwasang hindi mapangiti si Jimin habang nakatingin sa labas ng kwarto kung nasaan ang anak ni Jungkook. Kamukhang-kamukha ng bata ang ama nito lalo na sa mata.

"Jeon Sarang" yan yung pangalan na nakalagay sa papel na nasa ibaba nung lagayan ng bata. Kanina nung hinarang sya ng nurse ay tinanong nito kung anong ipapangalan sa bata.  Sarang agad ang naisip nya iyon ang gusto nyang ipangalan sa magiging anak nya pagdating ng panahon pero mukhang ang anak na Jungkook ang gagamit ng pangalan na iyon. Isa pa ibig sabihin ng Sarang ay Love kaya bagay na bagay ito sa bata.

Nakapagdesisyon na rin si Jimin. Hindi nya ipapa-ampon sa iba o itatapon yung bata kagaya ng gustong magyari ni Jungkook dahil sya na mismo ang mag-aalaga dito.

"Jeon? Sigurado ka dyan Jimin?" tanong ni Taehyung na kadarating lang. Oo, Jeon ang inilagay nyang apelido.

"Baka pati yung bata madamay sa kasalanan ng tatay nya kapag nagkataon." Alam ni Jimin magiging isang hamon kay Sarang ang pagdadala ng pangalan ng tatay nya pero ayaw din naman nyang itago yung totoong pagkatao ng bata. Ayaw nyang lumaki sa isang malaking kasinungalin ang bata kapag nagkataon. Sapat ng iniwan sya ng mga magulang nya.

"Subukan nilang kantiin si Sarang, ako ang makakalaban nila" matapang na sagot ni Jimin. Hindi papayag si Jimin na maranasan ng bata ang mga bagay na yon.

"Sigurado kang aampunin mo yang anak ni Jungkook? Wala kang alam sa---"

"Oo sigurado ako"

Maagang pumunta si Jimin kinabukasan sa ospital para makita si Sarang at para mabayaran ang mga bayarin nito. Excited na rin sya dahil pwede na nyang mauwi yung bata ngayon.

Kagabi ay halos hindi din sya nakatulog dahil magdamag syang nanood ng mga videos kung paano magtimpla ng gatas at magpalit ng diaper. Pakiramdam nya tuloy ay sya ang tunay na magulang ng bata.
"Sir pakipirma na lang po dito" sabi nung nurse na nakatalaga sa information desk at pumirma si Jimin.

"Babye Baby Sarang!" paalam nung nurse na pansamantalang nag-alaga kay Sarang nung umuwi si Jimin kagabi. Dahan-dahang ipinasa nung nurse si Baby Sarang kay Jimin, nung una ay kinabahan si Jimin na kargahin yung bata pero nawala rin nung makita nya itong ngumiti.

Paalis na sana sila Jimin ng ospital ng lumapit ulit yung nurse na pansamantalang nag-alaga kay Sarang.

"Sir, pinabibigay po nung lalaking nakacap na kausap nyo kagabi" sabi nito sabay bigay ng isang puting papel sa kanya. Kahit nagtataka ay kinuha nya ito saka tuluyan ng lumabas ng ospital.

"Salamat Hyung, sana alagaan mo ng mabuti si Sarang at pasensya na sa nasabi at inasal ko kagabi."
-JK

His Worth (#JiKook)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon