Chapter Eleven =^.^=

42 5 2
                                    

Chapter Eleven


Mia's POV

Habang nag lalakad kami sa mall si Jake ang sama ng tingin sa mga lalaki parang gusto niya sila kaiinin ng buhay... kaya nauna na lang akong nag lakad baka mamaya mapaaway siya mahirap ng madamay....


Ng bigla siya napasigaw ng malakas na " aray" kaya na palingon ako at alalang alala na napatakbo sa kanya

"Jake!!Jake!! anu nanyare??"


Napapikit siya habang nakabulagta sa sahig


"Jake wake up!!!" habang dumadami na ang tao na nakapaligid sa amin nag simula na ding dumugo ang ulo niya kaya bigla akong nag panic buti na lang ay dumating na ang mga medics na tinawag ng mall security,.....


Puro dugo ang damit ko.. hindi ko na alam ang gagawin ko... parang naramdaman ko ulit ung pakiramdam nung naaksidente si Lou noon... ung takot, kaba, ung pakiramdam ng alalang alala ang weird kakakilala lang naming pero parang matagal na kaming mag kakilala hay....


Habang nasa ambulansya na kami... hawak hawak ko lang ang kamay niya habang ginagawa nung nurse ang first aid... ng matapos ay kinausap ako ng nurse....


"miss wag kana mag alala magiging okay din ung boy friend mo eto ang tissue oh puro duga ka eh"

"ay thank you po hindi ko po siya boyfriend eh "

"ay sus mga kabataan nga naman wag mo na itanggi miss mukhang alalang alala ka sa kanya eh"

Halla si ate nurse shinoshowbiz na ako... napangiti na lang ako sa kanya hangang sa makarating na kami sa hospital...

After siyang maicheck ng doctor, ay kinausap ako...

"miss wala naman pong ibang nangyare sa boyfriend mo bukod sa nasugat ang ulo niya eh nahilo lang siya pero di padin kami nakakasigurado kase baka magkaroon ng fracture ung bungo niya sa lakas ng pagkakauntog niya so we will run more tests for now dito muna sya para maobserbahan naten sya, kailangan mo lang bilhin ito para sa sugat at para sa sakit ng ulo niya pag nagising, siya ililista ko na lang may pharmacy sa left pag labas mo sa may corridor"


"thanks po doc sige po"

Paglabas ko ay may nakabunggo akong babae na nakaiwan ng panyo na may pamilyar na burda letter L gaya ng nasa sulat niya pero ngaun ang nakahulog ay dalaga naman bigla akong kinutuban

"miss na hulog mo itong panyo"


Pag harap niya ang isang magandang babae ang bumungad sakin ngumiti at nag pasalamat tapos ang nag mamadaling umalis....

Bumili na ako ng mga pinabibili ng doctor at nag bayad para sa hospital bills matapos nun ay pinuntahan ko muna ang kotse ko sa parking ng mall bago pa mag sara ito matapos nung ay bumalik agad ako sa hospital tulog padin sya kaya umupo ako sa tabi niya kahit sa pag tulog ang gwapo niya .... Ay anu ba tong naiisip ko..... hindi ko namalayan ang oras hangang sa inabot na kami ng gabi sa hospital....

Jake's POV

"wag kuya!! Wag mo gawin yan!! Mahal na mahal ka namin WAG!!!!"


Bigla akong nagsing sa hospital... hangang sa naalala ko oo nga pala Kasama ko si Mia... tulog siya pagod siguro siya at puro dugo ang damit niya kawawa naman.... Pero kahit ganito ang ganda niya padin ....hinawakan ko ang matangos niyang ilong at bigla siyang naalimpungatan kaya naman nag kuwari akong tulog


" alam ko gisng ka kukuha lang ako ng tubig at kailangan mo uminom ng gamot"

Tumalikod siya sa akin at inayos kinuha ang gamot sa bag niya na parang nag susungit sa akin....

"grabe ansakit...."

Bigla siyang na palingon na parang alalang alala sakin at akmang aalis

" halla tatawag ako ng doctor"

"wait wag!"

Hinawakan ko siya sa kamay at hinatak papalapit sa akin

"anu ba Jake!"

"masakit dito oh kiss mo ako"

Sabay turo ko sa bibig ko

"kiss mo mukha mo"


Kumalas siya at nginudngod sa mukha ko ung malambot niyang mga kamay...

"bango hehe pwede na din tara uwi na tayo okay na ako haha"


Tumayo na ako pero bigla din nahilo at nagalaw ung baso sa table kaya na basag na nakakuha ng atensyon niya... napalingon siya walang tao nun bukod sa amin sa ward kaya walang nakakita...


"halla naka basag ka pa buti wala masyadong nurse at tayo lang halika ka nga at aalalayan na kita di pa tayo pwedeng umuwi under observation ka dahil sa pagkauntog mo"


Inalalayan niya ako hangang sa makahiga ulit ako sa kama....

"Mia?" hinawakan ko ang kamay niya

" anu un at may pahawak hawak ka pa sa kamay ko?" sabe niya na may masungit na at mataas na tono sa kanyang boses...


" gusto ko lang mag sorry.... Uhm alam ko kase na wrong timing to eh ang pag dating ko, ang mysterio na dating pusa ako na nagging tao, ang problema mo sa boyfriend mo, ung sa school mo, at iba pa ala kong nakadagdag ako sa lahat ng ito kaya gusto kong mag sorry ayokong maging pabigat sau Mia....."


Tinanggal niya ang pag kakahawak ko sa kamay niya at hinawakan ako ng mahigpit.....


"tamang lang ang pagdating mo Jake.... Dapat nga ako pa ang magpasalamat na dumating ka sa buhay ko eh...."


Matapos niya sabihin ang mga katagang un nginitian niya ako, ung ngiting malawak, ung ngiting panatag at parang walang problema,......


ung unang ngiti niyang totoo...


End of Chapter Eleven


Cat Love  (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon