Chapter 9

3.5K 129 10
                                    

Chapter 9


Note: This chapter happens the day before and the day Rae set her foot in San Joaquin. Enjoy!



Cecille's POV


"Maraming salamat, Diyos ko, sa magdamag na pagbabantay sa akin at sa aking mga mahal sa buhay. Nagpapasalamat din ako sa isa pang araw at pagkakataon na iyong ibinigay sa akin upang makapiling ko ang aking mga mahal sa buhay at maipamahagi sa aking kapwa ang aking pagmamahal at pagkalinga. Maraming salamat din sa pagkakataon na maipakita sa Iyo ang aking pananampalataya. Patuloy nyo po sana kaming kabayan ng mapagpala nyong mga kamay. Salamat po lord. I love you lord!" natapos ko na rin ang dasal ko twing umaga. Sandal pa ako pumikit bago nag-sign of the cross.

"Magandang Umaga!" sigaw ko, sabay inat at tanggal ng kumot sa mga hita ko.

"Magandang umaga rin 'nak! lika, kakahatid lang ng gatas" ganting sigaw ni tatay galign kusina.

"Ano ba yan ang ingay!" ayan si kuya naman yung sumigaw. Kahit kelan talaga palagi na lang syan aburido. Ay hindi naman pala, nitong kelan lang pala dahil hindi ata maganda yung posisyon nya kay ate Tere ngayon. Haha manliligaw problems sabi nga ng mga barkada ni Kuya. Sabi naman ni tatay namana raw ata ni Kuya ang pagiging masungit nya kay Nanay. Pero kahit ganun yun mabait syang kuya.

"Tse! Bumangon ka na nga rin Kuya! Pag di ka pa bumango pupuntahan kita dyan sa kwarto mo!"

Ang pagkakakilala sakin ng mga tao ay isang mahiyain, mahinhin at tahimik na tao siguro dahil sa hindi ako masyadong nakikihalubilo sa iba pag nasa labas ako. Hindi rin naman dahil sa suplada ako. Sadyang wala lang akong lakas ng loob makipag-usap sa mga taong hindi ko naman kilala. Kung baga ba, sabi nga nila socialy awkward ako. Dito lang naman ako sa bahay nakakapag-ingay ng ganito.

Pagkatapos kong ayusin ang higaan ko ay lumapit na ako sa salamin sa ibabaw ng lamesa sa kwarto ko. sabi ng tatay kailangan ko raw suklayin ang buhok ko palagi ng maraming beses, kung buhay daw si nanay yun ang lagi nyang gagawin. Minsan naman pag naglalambing ako kay tatay sya ang pinapagsuklay ko ng buhok ko.

"O nandito na ko sa kusina! Bakit ang tagal mo naman dyan lumabas?!" haha, natakot si Kuya. Alam nya kasi ang gagawin ko pag hindi pa sya bumangon. Tatalunan ko lang naman ng tatalunan ang papag nya.

"nandyan na po!" sabi ko bago tumingin ulit sa salamin.

"magandang umaga tay!" lumapit ako kay tatay at niyakap sya.

"mas maganda ka pa sa umaga 'nak" nakangiting sabi sakin ni tatay.

"Psh!" rinig kong angal ni Kuya.

"Magandang umaga rin sa gwapong gwapo kong Kuya pero hindi pa rin sinasagot ni ate Tere" sabi ko tapos niyakap ko sya pero may kasamang halik sa pisngi nya.

"Ano ba yan! Kadiri ka! Di ka pa nga nagmumumog eh!" reklamo ni Kuya tapos pinunasan pa nya yung pisngi nya na hinalikan ko.

"Hay nako, kayo talaga. Uma-umaga na lang ganyan kayo. Bilisan mo ng kumain Binong at pupunta pa tayo sa tumana" Binong ang palayaw ni Kuya. Si Lolo daw ang nagbigay nun.

''sama ako tay" sabi ko sa pagitan ng pagmumumog.

"Di pwede, dito ka na lang. walang maiiwan sa bahay" sabi naman ni kuya. Tinapos ko na ang pagmumumog ko tapos lumapit kay tatay at kumandong sa kanya saka niyakap sya.

Meeting CecilleWhere stories live. Discover now