Chapter 18

3.4K 140 22
                                    

Chapter 18

Cecille's POV

"Pst!" yan ang naririnig ko pagkatapos ng tunog ng parang may tumatama sa bintana ko. Kinakabahan na ako at natatakot.

Napahawak ako sa kumot ko at bahagyang tinakpan ang muka ko hanggang sa kalahati.

Tapos narinig ko na naman yung tunog.

"Pst!" kahit natatakot ako dahan dahan akong bumangon at dahan ding lumapit sa bintana. Nanginginig pa yung kamay ko habang inaabot ko ang seradura ng bintana.

Bahagya ko lang binuksan yung bintana saka ako sumilip. Pero dahil gabi na at sarado na rin ang mga buntana at pintuan ng bahay wala akong maaninag sa dilim ng gabi.

Tapos narinig ko na naman yung tunog na parang may tumatamang kung ano sa bintana ko.

Baka mamaya may mga ngati-trip lang kaya binuksan ko nang biglan ang bintana ko.

"Sino yan – aray!" napahawak ako sa noo ko dahil may tumamang matigas dito.

"Oh damn! Shit!" may narinig akong nagsalita. Hawak hawak ko pa rin yung noo ko. tapos nasilaw ako sa ilaw na tumapat sa muka ko.

"Sino yan?" sabi ko.

"Ssh. Si Rae to. Okay ka lang ba? Sorry"

"Rae?" tinapat nya yung ilaw sa muka nya

"Oo, wag kang maingay, baka marinig ka ng kuya mo" sabi nya habang nakatakip ang isang daliri nya sa bibig nya.

"Ano bang ginagawa mo dyan? Gabing gabi na. tinakot mo pa ko" sabi ko sa kanya. ipit na ipit yung pagsasalita ko kasi baka marinig kami nila tatay.

"Teka lang. pupunta ako dyan" nanlaki yung mata ko nung makita kong tumalon sya para abutin yung sanga ng puno tapos umakyat sya dito. May isang puno kasi ng mangga sa tabi mismo ng bakod naming kaya pwede talaga itong akyatan para makatawid. Pero wala namang nakaka-isip na gawin yun. May maliit lang naman kasing daan sa kabila ng bakod naming papunta sa mga bahay pa sa likod.

Kabang kaba ako habang papa-akyat sya, muntik na nga akong mapigaw nung tumalon sya pero namali sya ng bagsak kaya napaupo sya sa lupa.

"Ano ba. Hindi ka nag-iingat" sabi ko nung makalapit sya sa bintana

"hehe, wala yun. Sinadya ko yun" ngingisi ngising sabi nya.

"Ano nasugtan ka ba?" tingingnan nya yung siko nya at tuhod nya.

"hindi naman. Patingin nga ako ng tinamaan sayo. " sabi nya tapos hinawakan nya yung magkabilang pisngi ko para tingnan yung tinamaan nya kanina.

"Ano ba kasi yung pinambabato mo?" tanong ko sa kanya.

"Namumulot ako ng maliliit na mangga dyan, sorry tinamaan ka" sabi nya tapos hinipan nya yung parte na tinamaan nya.

"Ces anong ingay yan? Bakit may kumakalabog dyan" hala hindi ko pala nasara yung pinto kaya tuloy nakapasok si Kuya.

"Wala kuya, may inaayos lang ako, eh madilim kaya may nasagi ako" sabi ko habang pilit tinatakpan yung nakabukas na bintana

"Bukas mo na kasi ayusin yan, gabi na nakakahiya sa mga kapitbahay. Saka isara mo na nga yang bintana mo. Papasukin ka ng lamok dyan" sabi pa ni Kuya.

"mamaya na. pinapapasok ko lang yung hangin. Mainit eh" sabi ko tapos pinaypay ko pa yung dalawang kamay ko sa muka ko.

"De buksan mo yung bintilador! Nagtitipid ka naman masyado sa kuryente."

"Oo kuya. Sige na kuya. Matutulog na ko e. ikaw rin matulog ka na" pagtataboy ko kay Kuya.

Lumapit ako sa kanya at humawak sa pintuan. Tanda na gusto ko na syang paalisin.

Meeting CecilleWhere stories live. Discover now