CHAPTER 5

6.4K 116 0
                                    

a/n: Fire and Rinrin on the side! :)
Enjoy reading guys! :)

*******

~Eros' POV~

Saturday. Mamaya na yung laban namin sa Hazardous Minicas. Sabi ni Ice yung mga babae na daw bahala dun kasi puro babae ang members nung mafia group na yun... si Ice na din daw ang bahala dun sa boss nun. Psh! Paniguradong isang iglap lang tumba na yung mga yun eh.

"Fire..."

"Oh Glam! Problema mo?"

"G*go! Kelan ka ba makakausap ng matino?! Samahan mo ko sa laboratory... may ipapakita ako sayong new invention ng meds."

"Di mangyayari ang matinong usapan sakin Amber Sebastian. New invent?! Sige tara!"

Namiss ko din ang laboratory ah! Dun din nga pala nakatago yung mga guns and bombs namin *^*

Kasalukuyan kaming naglalakad papuntang bahay nya. Oo bahay NYA! dun nalang naisipan ni Ice ilagay yung laboratory tsaka dun na din namin itinago yung iba sa armas namin.

"WOAH! ilang beses na akong nakapunta dito pero di ko pa din mapigilang mamangha!"

"Bunganga mo. Yung laway tutulo na eh."

"Ay sorry..." sabi ko sabay punas sa bibig. Baka may tumulo nga eh.

"Nakagawa ako ng gamot na kapag naiturok mo sa target, madidisabled ang mga senses nya for a minute. Yung isa naman pangontra sa poison. Kapag nalason ka dahil sa kalaban or naka amoy ng poisonous gas, ituturok lang ito sayo para mapigilan ang pagkalat nung poison. Yung for disabling senses ang ipinangalan ko dun ay RP15 tapos yung for poison ang ipinangalan ko dun ay XV2..." mahabang paliwanag ni Glam sakin.

Hmmm... RP15 and XV2? Cool names!!

~Mhira's POV~

"Mauna na kayo sa arena. Susunod nalang ako... at ipagbawal mo ang paggamit ng weapons dahil oras na malaman ko na nagbabalak silang gumamit, tutuluyan ko talaga mga buhay nila." Sabi ko kay Kiera.

"Yes boss. Nasabihan ko na sila tungkol dyan. Fist to fist fight. Ang gumamit ng weapon pwedeng patayin ng kabilang grupo at walang dapat na tumulong sa oras ng labanan. Kung sino lang ang naglalaban sila lang ang dapat na makikita sa gitna at ang umepal... shoot to kill."

"Good. Papunta na ako dyan."

Binaba ko na ang tawag galing kay Kiera at nagpatuloy sa pagmamaneho...

Hazardous Minicas eh? Makikilala nyo na kung sino ang kinakalaban nyo.

----Blood Death's place----

Habang papalapit ako sa arena lalong lumalakas ang ingay...

Pagkapasok ko sa loob....

"P*TA!! SINONG MAY SABI SA INYONG MAG-INGAY KAYO?! MGA HANGAL! NANDITO KAYO PARA MAKIPAGLABAN! HINDI PARA MAG-INGAY! NAKAKITA LANG KAYO NG TAO SUMISIGAW NA KAYO?! ANO 'TO?! CONCERT?!" malakas na sigaw ko na nagpatahimik sa kanilang lahat.

"HAHAHAHAHA!!!! SINO KA BA?! DIBA IKAW YUNG LAMPANG ARTISTA SA IBANG BANSA?! ANO NAMANG GINAGAWA NG ISANG LAMPA DITO?! BAWAL LAMPA DITO! WAHAHAHAHAHA!!!" sigaw pabalik sakin nung babae sa kabilang grupo na akala mo sa club pupunta sa sobrang ikli ng suot at sa sobrang kapal ng make-up.




"Patay. Mali ka ng ginalit." Dinig kong sabi ni Yaoto.

"Ay lampa? Sinong gustong lumaban sakin?" Tanong ko sa kanila.

"Sus! Lampa lang yan! Ako na dito! Baka isang iglap lang nakahiga na yan dyan. Hahahahah!!"

"Ah ganun? Eh di pagbibigyan kita... gusto ko sampu kayong susugod sakin." Walang emosyon kong sabi. Tutal 20 naman nila eh... dalawang rounds lang 'to.

"Haha! Mayabang 'to! Pagbigyan nyo ang ambisyosang yan. Malapit na man ng ilibing yan sa hukay eh."

"Maling-mali talaga ng kinalaban." Sabi ni Lerwick

"Hah. Mag-ingat kayo sa sinasabi nyo. Baka mabaligtad ang sitwasyon."

"Ang daming satsat! Simulan na natin 'to!"

May biglang sumugod sa likod ko na agad ko namang napansin...

"Too slow bitch."

Hinablot ko ang buhok nya tsaka ko sya sinuntok sa mukha tsaka tinuhuran sa sikmura.

Tss. Eto yung madaming satsat kanina. Wala naman pala 'to sa kalingkingan ko -_-

Yung sumunod na sumugod tatadyakan dapat ako pero nahawakan ko yung paa nya may sumugod na dalawa pa kaya sinuntok ko yung unang sumugod sakin tsaka ko tinadyakan yung pangalawa at hinablot yung buhok nung isa tsaka ko sinipa sa mukha.

Di tumagal ng limang minuto yung laban ko dun sa mga yun at yung myembro nung grupo ko prenteng nakaupo lang sa bleachers at nanonood.

"Tara sa headquarters."

"Wow! Wala ka talagang kupas boss!" - sabi ni Yaoto

"Manahimik ka nga dyan Yaoto!"- reklamo ni JB

"Tse! Inggit ka lang eh! Nandyan si Mark oh! Mind your own business men!"- sabi pabalik ni Yaoto kay JB.

"Pwede bang manahimik kayong dalawa dyan?!"- sigaw ni Fire sakanilang dalawa.

**HEADQUARTERS**

"Boss anong gagawin natin dito?"- Tanong ni Lerwick sakin

"Pagpaplanuhan ang pagkamatay mo."

"Grabe ka sakin boss ah!"- sabi ni Lerwick sakin

"Wala pa rin akong nakukuhang lead sa Black Sinister... Last time may nagpadala ulit sakin ng Death Threat. This time may logo na ng Black Sinister. Ang nakalagay dun ay papatayin nila tayo isa-isa. Kaya mag-a-assign ako ng magmamanman sa grupo nila... Ikaw Yaoto at Mark Liu, kayo ang aatasan kong alamin ang bawat kilos nila... Glam and Arien, stay on their underground website. Pwede tayong makakuha ng impormasyon dun. I-report nyo agad sa akin kapag may napansin kayong kahina-hinala sa paligid.

"Yes boss!"

"Yes! Panibagong bakbakan naman 'to!"

"Di na ako makapaghintay makipagbakbakan! Matagal na akong natengga dito!"

"Dismiss na kayo mga baliw!"- Sabi ni Fire

"Fire, bigyan mo ng body guards sila mom and dad. Delikado sila ngayon. Sila ang pwedeng unahin ng Black Sinister."

"Sige. Tara uwi na tayo."

~*~
a/n: Here's the update guys!! Sarreh kung natagalan. Salamat sa ppaghihintay :) (kung may nagbabasa man :3)

Please Vote and Comment. :)

-Ayen

That Artist is a Mafia Boss [COMPLETED]Where stories live. Discover now