SPECIAL CHAPTER: Kiera and Clark

3.7K 59 0
                                    


SPECIAL CHAPTER: Lianne Park (Kiera) and Clark Yaoto

~Kiera's POV~

Kasalukuyan akong nasa garden at nagbabasa ng libro...

"Oy Grae, nasaan nanaman ang hudas mong tatay?" tanong ko kay Grae na nagbabasa din ng libro. Ayaw nya ng video games or kahit maglaro... mas gugustuhin nyang magbasa ng libro kesa makipaglaro.

"Nandun sa sala mom. Nanonood ng basketball." sagot nya ng hindi tinatanggal ang tingin sa binabasang libro. At dahil busy din ako sa pagbabasa at nagugutom na ako... sinigawan ko si Clark.


"OY CLARK! LUMAPIT KA RITONG HUDAS KA AT IKUHA MO KAMI NG PAGKAIN!!!" sigaw ko ng di tinatanggal ang paningin sa aking binabasa.

Nakarinig ako ng yabag papalapit sa amin kaya naghanda ako ng kunai at inihagis yun sa kanya ng makalapit sya sa amin.

"Woah! Chill Kiera babes! Namimiss mo nanaman ang kagwapuhan ko! Tsaka bakit ba ang hilig mong mambato ng kunai? Paano kung matamaan mo ang napaka gwapo at ubod ng gwapo kong mukha? Kawawa naman ang mga chicks ko nyan. Maraming iiyak."

"Leche ka Clark! Ikuha mo nalang kami ng makakain at sarilinin yang kahanginan mo! At pwede ba! Lianne ang pangalan ko! Diba sinabi ko sayo na tatawagin mo lang akong Kiera kapag nasa mafia world tayo?!" oo alam din ni Grae na part kami ng mafia ng hudas nyang tatay. Kahit bata palang si Grae, malawak na ang pang-unawa nito di katulad nung hudas na mahangin nyang tatay.


"Lianne it is. Sungit."bulong nya

"Ano?! Ikuha mo nalang kami ng pagkain at baka matuwa pa ako sayo!" sigaw ko sa kanya at pinagbabato ko sya ng kunai.

"Mom, pupunta na po ako kela Auntie Mhira... oras na po ng training namin nung kambal." sabi ni Grae sa tabi ko.

"Okay. Ipapasundo nalang kita sa reaper." sabi ko kay Grae at hinalikan sya sa noo at agad naman syang umalis.


Tine-train na sila ni Mhira kahit bata pa sila. Self-defense ba. 7 years old na nga pala si Grae. Bago magsimula ang Grand Chaos, 2 years old na nun si Grae. Itinago namin sya ni Clark sa organisasyon. At oo na! Boyfriend ko na si Clark nung mga panahong nagpaplano pa lang para sa Grand Chaos. Way back nung una kaming pinakilala sa inyo. Boyfriend ko si Clark noon at anak na namin si Grae pero aso't pusa pa din kami. Pero kahit ganun, nagkakasundo naman kami sa maraming bagay at mahal na mahal ko yung hudas na yun. Hindi nga lang halata. Haha.


Kahit itinago namin noon sa organisasyon si Grae, naintindihan naman nila ang dahilan namin. Kaya sa ngayon, tine-train ni Mhira ang mga bata kasi di namin habambuhay na maipagtatanggol ang mga bata... kailangan nilang matutong tumayo sa sarili nilang mga paa.

"Lemonade pie, eto na ang pagkain mo. Lalim ng iniisip mo mango pie ah... iniisip mo nanaman ba ang kagwapuhan ko?" biglang singit nung asungot na nagngangalang Clark Yaoto.

"Leche ka Clark! Iniisip ko lang ang mga mangyayari sa future. At pwede ba?! Tigil-tigilan mo ako sa kakatawag mo sakin ng iba't-ibang pie ha! Masyado ka ng malandi!"

"Bakit naman garlic pie? Ayaw mo pa nun? May endearment sayo ang gwapong si ako?"

"Leche ka!! Wala bang sugar yung coffee?!"

"Of course, walang sugar at creamer adobo pie!"

"Hay naku! Asan na yung strawberry cheesecake ko?!"

"Ay nalimutan ko. Hintayin mo ako dito at ikukuha kita, spring onion pie."

Agad din namang bumalik si Clark at ibinigay sa akin ang strawberry cheesecake ko.

"Eto na ang pinapakuha mo Kimchi pie!"

"Nakalaklak ka ba ng asukal at napaka ingay mo?"

"Di naman ramen pie!"

"Pie nanaman!"

"Di ako magsasawa na tawagin ka sa endearment ko sayo... Banana que pie, Turon pie, Bibimbap pie, Kimbap pie, sushi pie, wasabi pie, Sashimi pie, salmon pie, sinigang pie, kare-kare pie, caldereta pie, pamayPIE!!" masayang lahad nya. Napailing nalang ako sa ka monggihan ng asawa kong ito.


Kahit na anong mangyari at kahit ilang beses nya pa akong tawagin ng kung anu-anong pie, basta nandyan lang sila ni Grae sa tabi ko masaya na ako. Sila ang buhay ko. Ang oxygen ko para patuloy na mabuhay. Di ko alam ang gagawin ko kung mawala sila sa akin... di ko kakayanin. Kahit anong pagsubok man ang dumating, poprotektahan ko sila sa abot ng aking makakaya.



~*~

a/n: Eto na ang last special chapter. Tapos na talaga ang story~ Sana nagustuhan ninyo~

Plug ko lang yung iba kong story.

Please read:

* I Dream

*The Heartless Jerk

Enjoy reading!

-Ayen

All Rights Reserved.

That Artist is a Mafia Boss [COMPLETED]Where stories live. Discover now