Chapter 1

102K 980 31
                                    

"I want you back. Please, Kyle.." Patuloy pa rin ang pag-iyak ng babae ito sa harapan ko. Nakaluhod siya habang nakayakap sa isang binti ko.

What is she doing here, anyway? Hindi pa ba malinaw sa kanya na ayaw ko na siyang makita pa? Matapos niya akong gaguhin, babalik siya na para bang wala siyang ginawang kasalanan?

I want to punish her and hurt her so bad. Gusto kong maramdaman niya ang sakit na naramdaman ko nang malaman 'ko kung ano nga ba ang tunay na habol niya sa akin.

"Tumigil ka na nga sa kahibangan mo, Yssabelle!" Puno ng muhi ang tingin na ipinupukol ko sa kanya. "Sa tingin mo ba ay naaawa ako sa sa 'yo?"

Ayoko nang makita ang pagmumukha niya dito sa pamamahay ko. Marahas kong hinawakan ang braso niya at hinila siya patayo. Pulang-pula ang kanyang mga mata at pisngi dahil sa pag-iyak.

Your look so innocent, Yssabelle. But you can't deceive me. Not anymore.

Hindi na ako mahuhulog sa inosente mong mukha. Hindi na ako magiging baliw sa 'yo. Hinding hindi na.

"Please.. fifty days, Kyle. That's all I want. Papatunayan ko sa 'yo kung gaano kita kamahal.."

She tried to hug me but I pushed her away. Ayokong lumambot ang puso ko. Hindi pwede. Hindi maaari.

Ngunit bigla akong napaisip. Fifty days, huh? What's her plan now? Paiikutin na naman ba niya ako sa mga kasinungalingan niya?

Hmmm.. Okay, I’ll settle for fifty days.

Pero sisiguraduhin kong magiging miserable ang buhay niya kasama ako. Paparusahan ko siya sa bawat araw na magkasama kami.

She turned me into a monster. And I'll make sure she'll regret her decision.

You'll be living in hell for fifty days, I promise you that, Yssabelle.

"Okay, then. Deal.. but in one condition," malaming kong sabi.

"W-what?" She hesitantly asked. There's a mixtue of pain and confusion in her eyes. Oh come on, stop acting like you're innocent.

Hindi na ako madadala sa maamo mong mukha, Yssabelle.

"Live with me," matigas na utos ko. "Kung gusto mo talagang patunayan na mahal mo 'ko, dito ka ulit tumira sa akin."

"O-okay." Kinagat niya ang kanyang ibabang labi at yumuko.

"Huwag kang umasa na tulad pa rin ng dati ang magiging trato ko sa 'yo. Dahil hindi na mangyayari yun. Hinding hindi na.."

Tinanggal ko ang hawak ko sa kanyang braso at nakita ang pamumula ng maputi niyang balat. Still fragile with my touch, huh? I don't care.

"I know." She sighed and looked at me. "Papatunayan ko sa 'yo na mahal na mahal kita.."

Whatever, Yssabelle. You're my slave.

"Hindi ka na aalis. Ipapakuha ko na lang ang mga gamit mo sa bahay niyo."

Tumango lang siya sa aking sinabi. Muli na namang nangingilid ang luha sa kanyang mga mata.

"Sasabihin ko rin sa Papa mo na dito ka titira sa akin."

They'll be shocked, for sure. Matagal na  Alam nila na matagal na kaming hiwalay.

"O-okay.." she stuttered again.

"Sa living room ka matutulo. Sanay ka naman, 'di ba?" I said with so much insult in my voice. Dumaan muli ang sakit sa kanyang mukha.

I smirked. This is hell, Yssabelle. Kakayanin mo kaya?

"No problem." Nagbaba siya ng tingin at nilaro ang kanyang mga daliri.

50 Days with My Ex-Girlfriend (REVISED)Where stories live. Discover now