Chapter 2

83.2K 811 55
                                    

[THIS WILL BE THE FINAL UPDATE OF 50DWMEGF ON WP. THE FULL AND REVISED VERSION OF THIS WILL BE POSTED ON DREAME/YUGTO. FOLLOW ME @ IMBAAAAAH]
---

"Yssabelle! Bilisan mo!" ang bagal talaga ng babaeng ito. Ang sabi ko'y bilisan niya sa trabaho dahil mali-late na ako.

"Sandali lang.." Hinihingal niyang sabi.

"Ang bagal bagal mong kumilos!" Pagalit kong sigaw sa kanya.

"Sorry... sorry.." mahina niyang sabi. Sinikap niyang huwag mahulog ang dala niyang bag at mga papeles.

Nag-iwas ako ng tingin para hindi siya makitang nahihirapan sa mga dala. Hindi dapat ako nagpapa-apekto sa maliliit na detalyeng ginagawa niya.

"Sige na... ilagay mo na ang mga 'yan sa sasakyan ko."

Hinihingal man, nagmamadali pa rin niyang inilagay ang mga gamit ko sa sasakyan. Halata sa mukha niya ang pagod at pamumutla ngunit hindi ko pinansin iyon. Mas pinagtuonan ko ng pansin ang galit na nararamdaman ko sa kanya.

Ginusto niya ito, hindi ba? Dapat ay magtiis siya.

"Linisin ko ang bahay ko.." malamig kong sabi. Lumapit ako sa kanya ngunit hindi ko pa siya binabalingan ng tingin.

"P-pero may trabaho din ako, Kyle.." dama ko ang kaonting pag protesta sa tono niya.

"E di mag resign ka.." hinigit ko ang braso niya sabay tingin sa kanya.

"Hindi naman gano'n kadali 'yun, Kyle.."

"Wala akong pakealam!"

Napapikit ang mga mata niya dahil sa biglaan pagsigaw ko sa mukha niya. Namumula ang kanyang mga mata, tila nagbabadya ang mga luha. Batid ko ang takot sa kanya. Gayunpaman, hindi pa rin dapat ako magpaapekto sa inosente niyang mukha. Ang mga pinapakita niya niya ay purong kasinungalingan lamang.

Mas lalong tumalim ang tingin na pinupukol ko sa kanya. Pumasok na ako sa loob ng sasakyan at iniwan siyang nakatayo sa tapat ng bahay. Kita ko sa salamin ng aking sasakyan na hindi pa siya pumapasok.

Mainit kaagad ang ulo ko pagdating ko pa lang sa trabaho. Dumiretso kaagad ako sa aking opisina, hindi na pinansin ang mga bumabati sa akin. Marami akong dapat tapusin ngayong araw, ngunit naaabala ang isip ko dahil kay Yssabelle.

Hindi ko alam kung makakapagtrabaho pa na ako ng maayos sa lagay na ito!

"Hi handsome.," napatingin ako sa pintuan ng opisina ko nang bumukas ito. Nakangiting mukha ni Sheena ang bumungad sa akin. Hindi ko siya pinansin. nagpatuloy nalnmg ako sa ginagawa ko.

Isa si Sheena sa mga babaeng nakilala ko nang maghiwalay kami ni Yssabelle. Madalas niya akong bisitahin dito sa trabaho simula nang magkakilala kami, kaya hindi na bago sa akin na nandito siya ngayon.

"Tuloy pa ba tayo mamayang gabi?" makahulogang tanong niya.

"Hindi ko pwede mamaya, Sheena." Simpleng sagot ko.

"Why not?" nagtatakang tanong nya.

"Nothing." kibit balikat na sagot ko.

"Wala naman pala, eh. Oh, baka naman may bagong nagpapainit sa 'yo?"

Natigilan ako sa sinabi ni Sheena. Doon ko lang napagtanto na nandoon nga pala si Yssabelle sa bahay ko. Napangiti ako sa aking naisip.

"Alright, tonight. Sa bahay ko." tumayo na ako nagsimula ng maglakad palabas ng opisina ko.

"Where are you going?" nagtatakang tanong ni Sheena.

"Look, I have a meeting.. Hintayin mo nalang ako dito kung gusto mo.."

50 Days with My Ex-Girlfriend (REVISED)Where stories live. Discover now