Chapter 17_Behind the Paintings

3.1K 55 0
                                    

Author's Note: Haha, humahaba pa ang kwento. Ang hirap i-cut e. Ang daming pumapasok na eksena. 2 days to go, bakasyon na. Hihi. Advance happy holidays! Happy reading! ^_^

Thanks for the painting. Keila really loves it. And thanks for accommodating us by the way. –Brayden

Naah, no worries! –Levie

Are you really okay? –Brayden

Yeah! I'm fine. Don't mind me. Pano, good night na. See you again some time. –Levie

"Ano kayang problema nun? Girl's mood swings?", iiling iling na hinaing na lang ni Brayden. Hindi na lang nya gaanong pinansin ang naging asta ni Levie.

"Haay, what's wrong with me? Bakit dinadamay ko si Brayden sa pagka-badtrip ko sa buhay e wala naman syang kinalaman? Haikz! No good ka talaga Levie! Shouldn't I be thankful na may nakakarelate sa mga paintings ko? Na may nakakakilala sa kung anong damdamin ng mga nakapintang yon?", maktol ni Levie sa sarili.

Unti unting bumalik sa alaala ni Levie ang naging pagtatalo nila ng kanyang Daddy.

"Levie hija, bumaba ka na at kakain na tayo. May importante ring sasabihin sayo ang Dad mo", tawag ng Mommy ni Levie.

"Yes Mommy, susunod na po ako", sagot naman ni Levie.

Matapos ay pinuntahan naman ang kapatid nitong si Tommy. Nasa dining na ang parents ni Levie at si Tommy, at si Levie na lang ang hinihintay. Nang makita sya ng mommy nya ay agad syang sinalubong at binulungan.

"Levie! Anong itsura mo yan? Haharap ka sa hapag-kainan na ganyan ang itsura mo? Ano na lang sasabihin ng Daddy mo? Di ba, I already told you to stop painting. Wala kang mararating sa pagpipinta. Go back to your room and change your clothes quickly! Pasaway!", sita ng Mommy nya.

"Ano ba yan? Kanina pa naghihintay ang hapag-kainan. Magtatampo na ang grasya satin nyan e. Maupo na kayo ditong dalawa!" utos ng Daddy nila at agad naman silang tumalima. Napako naman ang tingin nito kay Levie at nagsalita, "Levie, pagkatapos kumain, pumunta ka sa opisina ko. Mag-uusap tayo!".

Matapos nga ang pagkain nila ay tumungo na si Levie at ang Daddy nya sa opisina ng huli.

"Sit down Levie", mahinahong sambit ng Daddy nya at sumunod naman sya. "Levie, haven't I made it clear to you na ayokong pagpipinta ang inaatupag mo? It won't bring you anywhere. Wala kang asensong makukuha dyan. Bakit di mo gayahin ang kapatid mong si Tommy? He's into our business" dagdag pa nito.

"But Dad, hindi ko po gusto magpatakbo ng business natin. I have my own shop at okay naman ang nagiging income nun. The shop is now starting to export the paintings. I love painting Dad! Kumikita naman ako sa mga yun", sagot ni Levie.

"No! Tigilan mo yan o ako mismo ang magpapabagsak sa shop mo. And in fact, we will be having a meeting with the Valdez family. You and the unico hijo ng mga Valdez will be married. At dun ididiscuss yun date ng wedding", wika nito ng mariin.

"NO! Ayoko Dad. You just can't dictate everything in my life. Buhay ko to kaya ako ang magdedesisyon para sa sarili ko. And you can't stop me from doing so!", singhal ni Levie at iniwan ang Daddy nya sa opisina. Tinatawag pa sya nito ngunit hindi na sya lumingon pa. Dumeretso na sya sa kwarto nya at inempake ang lahat ng mga gamit na kaya nyang dalhin. Matapos makapag-empake ay lumabas na sya at saktong nakasalubong naman ang kapatid na si Tommy.

"Sis, san ka pupunta? Bakit dala mo yang mga gamit mo?", tanong nito.

"Aalis na ko. I can't stand our parents anymore. Masyado na nilang sinasaklawan ang buhay ko. Hindi ako laruan na pwede nilang gawing tau-tauhan at sunud-sunuran na lang sa mga gusto nila. Buhay ko to at wala silang karapatan na kontrolin to! I'm leaving. For good!", sambit nya at tuluyan ng tinalikuran ang kapatid nya. They were okay pero hindi sila yun tipong close sa isa't isa. Sumunodnamang nakakita sa kanya ay ang kanilang Mommy.

"Levie! Anong kalokohan to?! At san mo planong pumunta ha?! Nasisiraan ka na ba talaga?!", singhal ng kanyang ina ngunit hindi na rin nya ito pinansin. Dere-deretso syang sumakay sa kotse nya at pinasibad iyon palayo.

(Balik sa present)

Simula nang mangyari ang lahat ng yon, hindi na ganun kagaan ang laman ng kanyang mga painting. Though hindi naman malulungkot ang ipinipinta nya pero sa loob nya, alam nyang hindi sya masaya nung ipininta nya ang mga ito. Simula noon, hindi na sya nakapagpinta ng buong puso. Mahal na mahal nya ang pagpipinta pero parang may nawawala sa pagkatao nya.

Namangha sya dahil tanging si Brayden pa lang ang nakakita sa mga yun. Sa nilalamang damdamin ng mga ipininta nya. Hindi nya napigilan ang sarili na yakapin ito. Tila ba may espesyal sa lalaking ito na hindi nya mawari kung ano.

"I must apologize to that guy. Ang pangit ng inasal ko sa kanya", isip ni Levie.

Ui, ahm, sorry sa inasal ko. Medyo nagbago lang ang timpla ko. May naalala lang kasi ako bigla. But it was really my mistake na idinamay kita dun. Sorry. –Levie

Brayden was not replying. "Haay, galit na nga yata sya sakin. Kasi naman Levie ih! Kasalanan mo lahat to! Naku, makatulog na nga!", sisi ni Levie sa sarili.


The Billionaire's Fragile HeartWhere stories live. Discover now