Rainie

4.5K 187 32
                                    


Pagkatapos kong mailabas lahat ng yun, hindi ko namamalayang umiiyak na pala ako. Lumuhod ako at pinunasan ang mga luha ko. Ito na ang huling pagkakataon na iiyakan ko siya.

Masaya na siya at wala na akong magagawa roon. Ang magagawa ko na lang ay maging masaya din para sa kanya.

Tumayo ako at tiningnan yung Emotion Bucket. Napuno ko na yata yung bucket na 'to. Pasensya na. Heartbroken lang.

Nakita kong may nakasulat na doon na huhulaan kong hango sa mga naisip ko kanina.

Nakita kong nag-uumpisa yung sulat sa mga salitang:

Rainie/Akemi,

Walang madaling paraan para sabihin ko 'to sayo....

Yun palang ang nababasa ko sa sulat na ginawa ng gadget, alam kong napahayag ko nga talaga lahat. Binuksan ko na yung pinto at pinapasok si Mama.

"Natutuwa ako sayo, Darwin. Mas makakabuti sayo kung mawawala na lahat ng burden mo." Yinakap niya ako kaya naman yinakap ko siya pabalik.

"May itatanong lang po ako, ma."

Humiwalay siya sa yakap at tumingin ako sa mga mata niya.

"Say it, son."

Kailan kong gawin 'to kung gusto kong makawala sa nararamdaman ko.

"Pwede po bang ipadala yung sulat na ginawa ng gadget sa taong tinutukoy ko?"

Hinawakan ni mama ang nga balikat ko at tumango.

"Gusto ko pong mabasa niya yun sa madaling panahon. Ayaw ko na, Ma."

Lumapit siya sa gadget at may pinindot doon. Naging papel yung sulat sa screen.

Nagulat ako ng pumunit si mama ng kapitasong tela sa cloak niya.

"Mama! Sagrado po yan di ba?"

Ngumiti naman siya sa akin.

"Naging parte ng buhay ng anak ko ang babaeng ito kaya naman isang karangalan ang ipagkatiwala sa kanya ang telang galing sa cloak ng isang pinuno. Huwag kang mag-alala, alam kong aalagaan niya ito."

Ginamit ni mama yung telang yun para itali ang sulat at isecure iyon.

"Pumunta tayo sa pwesto ni Hiroshi."

***

Ilang minuto lang ang nakalipas, nakita namin si Hiroshi, Reina at Hayate na tuwang-tuwa sa success ng teleportation. Di ko rin kayang magsinungaling dahil talagang nakakabilib na nagawa yun ng isang Senshin.

"Dana," bungad ni Reina sa amin. Wala namang tensyong namuo. Sa tingin ko, nagtitiwala na kami sa isa't-isa nang buong-buo.

"Pwede mo bang subukan yang teleportation device mo para maipadala 'to sa isang tao?" Tanong ni mama kay Hiroshi.

Nagngitian naman sila at alam kong gusto nila yun.

"Bakit di natin subukan ulit?"

Inayos na niya yung device niya at sinabi na rin ni mama kung kanino ang destinasyon ng sulat na 'yun.

Pagkatapos ng ilang minuto, nawala na sa paningin namin yung sulat.

"Wag kang mag-alala, Seiji. Tamang tao ang nakatanggap noon."

"Hihi. Ang tapang mo pala, next leader. Nakakakilig naman kayo."

Napailing na lang ako sa inasal ni Maam Castro---Reina. Kahit kailan talaga.

Pero sana, maintindihan ako ni Rainie.

****
[Location: Tantei High]

Akemi

"Oh my gosh ang ganda talaga ng bracelet. Huhu. Nakakainggit ka Akemi!"

"Oo nga nee-san. Halatang seryoso si Hiro sayo."

Halos maging kamatis na yung mukha ko sa sinasabi nilang dalawa. Nemen eh.

Paano ba naman, pagkagising ko, itong bracelet na 'to agad yung nakapa ko sa kama. Gawa siya sa silver at may dalawang letters. R at N. Nathan ba kamo? Haha! Di ko rin alam kung aning trip ng Hiro na yun eh.

"Kahit naman walang ligawan yung lalaking yun, seryoso na talaga yun. Haha! Walang emosyon eh."

Napangiti na lang ako sa kanila.

Pinayagan ko na kasing manligaw si Hiro sa akin. Siyempre alam kong maagang kinakasal yung mga Erityian race dahil sa life span namin pero lumaki pa rin ako sa mundo ng Humdrums kaya naman nananatili pa rin sa akin yung prinsipyo namin.

Nagpaalam muna ako saglit dahil gusto kong pumunta sa gubat kung saan lagi kaming nagkikita ni Hiro. Mamaya pa daw siya pupunta dun eh kaya aagahan ko na. Haha! Ngayon, ayaw ko nang malate!

Habang nakaupo ako sa hill kung saan tanaw yung Tantei High, bigla na lang may sumulpot sa harapan ko at bumagsak sa kinauupuan ko.

"AY PUSA!" Paano ba naman kasi, bigla na lang nay lumitaw na sulat sa tapat ko.

Bigla ko namang namiss si Demi. 'Ay pusa!' kasi yung sinabi ko eh. Parang ganito rin kasi siya noon. Bigla na lang sumusulpot.

Pinulot ko yung letter na hindi ko alam kung saan galing. Ang weird, super.

Nakaroll yun at nakatali sa familiar black cloth na nakikita ko sa mga Shinigami.

Teka....

Galing ba 'to sa cloak ng isang Shinigami Royal?! Sure ako! Ganitong-ganito yung pattern ng cloak ni Rin noon.

Pero imposible namang buhay pa siya. Kanino naman galing 'to? Wala rin naman akong naramdamang nagbukas na black dimension o ano mang pressure. Aish ang weird!

Binuksan ko naman yung letter at binulsa yung kapirasong tela. Ewan ko kung bakit pero tinago ko yun. Feeling ko mahalaga eh.

Pagkabasa ko sa pangalan sa baba ng sulat, nadurog yung puso ko.




Nagmamahal,
Darwin

Sana walang magbago sa pagkakaibigan natin. Patawad

*****

The End

Dear Rainie (Tantei High: Darwin And Akemi Fanfic)Where stories live. Discover now