Chapter 5: Trouble((EDITED))

3.7K 99 7
                                    

LUCIA VIENNE NORIXE

*Kkkkkkrrrriinnngg*

Good Morning Sunshine! Mukhang maganda ang araw ko ngayon ahh...

"Good Morning, Everyone!!" Masiglang bati samin ni Adri.

Tumango lang ako at pumunta na sa cr para maligo pero bago yun--

"Adri, gisingin mo na nga yang ate kambal mo!" sigaw ko sa kanya. Malayo kase yung cr sa kwarto. Baka di nya ako marinig.

Di ko na hinintay yung Sagot ni Adri at pumasok na ng banyo.

Habang naliligo ako naririnig ko sa labas ang daldalan nilang dalawa.

"Adrianna Sqwartz Angellica Davis! Diba sabi ko sayo na gumalang ka sa nakakatanda sayo?! Wag mo nang uulitin yun!" Sermon ni Arianna kay Adri.

Natapos na akong maligo at lumabas na. At yun, naabutan ko silang nagaaway.

"Hey! Arianna Selena Angeline Davis!  Sumusobra ka na ahh. Mas matanda ka lang nang 10 seconds tas makaasta ka akala mo YEARS ang agwat nang age natin!" Sigaw ni adri.

Natatawa ako kase ang cute at ang haba pala nang names nila.

"Hey hey. Tama na yan guys. Ang cute naman nang names nyo. Ang hahaba. Pero bakit Adrianna at Arianna Davis Lang ang sinabe nyo sa klase?" Awat ko sa kanila. Para kaseng magpapatayan na nang tingin eh.

"Ayoko nga. Ang haba haba. Akalain nyo Adrianna Sqwartz Angelica Davis. Ang haba!" Naiinis na sabi ni Adrianna.

Tinignan lang ako ni Arianna nang Same-as-her-reason look.

Tumango tango nalang ako.

"Bakit nga pala kayo nagaaway?" Tanong ko kay adri.

"Ahh, kase tinawagan ko si Tanda kanina---aray!" Kinurot kase sya ni Ari kaya ayan.

"Tinawagan nya si Papa kanina. Ehh pabalang sumagot ehh...nagalit ako." Sabi ni arianna habang pinipingot si Adri.

"Tama naaaaa!!!" Sigaw ni Adri kaya binitawan na sya ni Ari.

At dun ko narealize na nakatowel lang pala ako.

Tumakbo na ako sa cabinet ko at kinuha yung uniform at bumalik na ako sa banyo para magbihis.

Pagkalabas ko ng banyo sumunod na si Adri.

Habang naliligo si Adri ay nagaayos ako nng buhok and si Ari naman ay inaayos yung damit na susuotin nila.

"Alam mo Lucy. Maski ganyan si Adrianna. Mahal ko parin yan." Sabi nya pero nagaayos parin sya. Tinignan ko sya sa reflection nang salamin.

"Ganyan naman talaga ang magkakapatid...nagmamahalan parin sa kabila nang lahat." Sabi ko kay Ari habang nakatingin ako sa reflection nya sa salamin.

Naisip ko rin. Ganyan din namn ako kay Lalaine ehh...Lagi ko syang pinapagalitan pero mahal ko parin sya--mahal na mahal.  Tumingin ako sa Alarm clock na naka patong sa lamesa.

"Arianna....bakit cold ang pakikitungo mo sa mga kaklase natin at kay Adri sa Classroom?" Tanong ko. Napansin nyo rin nman siguro diba?

"May mga bagay bagay talagang hindi mo pwede malaman." Sabi nya sakin at tinignan ako sa may salamin.

Hindi na ako nagsalita at tumingin nilang sa kanya sa pag aayos nang gamit.

Hindi ko namalayan. Masyado na pala akong nangingialam nang secrets nila ehh kakakilala ko lang sa knila kahapon.

****

Naglalakad na kami nina Adrianna papuntang classroom.

Habang naglalakad kami nina Adri. Iniisip ko parin yung sinabi sakin ni Arianna kanina.

Book 1: The Cursed Immortal(COMPLETED)Where stories live. Discover now