Part 10: I knew You were Trouble When You Walked In

408 5 0
                                    

ERIZZ POV

Another day, Another Life

As Usual ginawa ko ang mga dapat
gawin.

Inayos ang higaan, Naligo, Nagbihis at Nag ayos tsaka ako bumaba

Pagbaba ko Naabutan ko agad si mama na nagluluto

"GoodMorning Ma"
Bati ko sa kanya

"GoodMorning Erizz Anak"

"Ma, Nasaan po ang ate arizza? di po ba sya sasabay sa atin para mag almusal?"
Tanong ko sa kanya ng mapansin
kong wala ang pa ang ate arizza sa hapag kainan

"Naku, ang ate arizza mo ay maagang pumasok sa Ospital, dahilnakiusap ang isa nyang kasamahan na magpalit agad sila dahil may emergency daw sa kanila, sa sobra pagmamadali nga ng ate mo ay nakalimutan na itong inihanda ko sa kanyang baon"
sabi ni mama

"Ganoon po ba? sige po ma, ihahatid ko nalang sa kanya yang inihanda nyo para naman po hindi masayang, makikipagkita rin naman ako kay peaches e"
sabi ko kay mama.

"Mabuti pa nga anak, at baka wala ng oras para bumili ng pagkain ang ate mo"

"Oo nga po, alam nyo naman ang trabaho ni ate hindi pwede malingat kahit saglit"

"Osya, kumain na tayo ng makapaghanda kana"

"sige po"

kumain kami

buti nalang at hindi na muling
inungkat ni mama ang
nangyari kahapon dahil wala
pakong isasagot sa kanya pag nagkataon

Matapos kumain ay nagpalit ako
ng damit nakakahiya namang
lumabas ng naka Jogging pants ako
hindi naman ako mag Ja-Jogging no.

Una kong Pumunta sa Restaurant na usapan namin ni peaches dahil maaga pa naman.
at mamaya pa sigurado ang break ni ate arizza.

Ng makarating ako sa restaurant
ay wala pa si peaches.

Ang babaw talagang iyon kahit kailan
napakabagal kumilos.

Doon na ko pumuwesto sa malapit sa pinto

para pagdating ni peaches ay agad nya akong
makita.

"May i take your order ms.?"
biglang sulpot naman ng waiter

"Ahm, mamaya nalang.
hinihintay ko pa kasi yung kasama ko
we will just call you"
sabi ko naman sa kanya

"Okay Ma'am"

Nginitian ko nalang sya

Napatingin naman ako sa WristWatch ko

15 minutes ng late si peaches

hay nakoo talaga ang peaches na iyon sinabi ko ng bilisan nya dahil maghahatid pa ako ng pagkain kay ate.

maya maya pa
ay natanaw ko na ang babaeng
halos magkulang na sa tela ang damit
at para namang nasubsob sa harina
ang puti ng muka at para namang nagdurugo ang labi sa kapal ng lipstick.

(( Meet My Friend
Peaches lynne Sarmiento
18 Years Old, A young lady
with liberated attitude
laking state kasi kaya ganyan
she's beautiful too, a party girl,
at kung meron babaero well
meron namang lalakero at si peaches yan))

"Hi, Friend Sorry ha late ako
alam mo naman. nandoon kasi
ang Bf ko sa apartment i. hihi"
malandi nyang paliwanag

"Sana sinabi mo nalang na di
ka makakapunta, naistorbo ko pa ata kayo"

"Sus! ang sungit mo naman.
palibhasa kasi NBSB ka no,
kaya wala kang karomaromansa sa katawan"

"Pwede ba peaches, hinaan mo yang boses mo baka may makarinig"

The Seductive NunWhere stories live. Discover now