10~The Bestfriends.

1.3K 25 0
                                    

10.

soon:MTT.

After 2 yrs.
~

Shandelle’s POV.

Nagising ako sa ingay sa bahay,umagang-umaga nagpapamusic si Mama't Papa.anong araw ba ngayon?

Napatingin ako sa clock ko, omy!9:00 a.m na pala?!omy gosh!may trabaho pa ako.feeling student nanaman ako.

Naghilamos ako at tumingin sa salamin, "Psst.ba't ang dyosa mo?". Tanong ko sa babaeng saksakan ng Ganda na nasa harapan ko.

Pagkatapos ko gawin ang routines ko,bumaba na ako para kumain pagkababa ko ay nagulat ako at nakita ko na may Banner ng 'We Will Miss You ACE!' Anong meron?

"Shandelle!". Sa pangalan ko palang alam ko na kung sino 'yon,

"Jai!". Sabi ko naman sakanya,bat nga ba siya nandirito? "Why are you here?".

"Ako naghanda neto". Sabi niya "Mamimiss ka namin dito,lalo na ako.mamimiss ko mga gala natin,aalis ka nanaman ulit.1 year ka nanamang mawawala,tapos babalik ka 1 yr uli."  Sabi niya na may kasama pang iyak effect arte

"Andrama ng life mo!alam mo Jai.hindi naman ako magtatagal,promise." Sabi ko,ito talagang bestfriend ko oh.masyadong dramatic,aalis nanaman daw kasi ako,lagi nalang daw ako umaalis.

"Okay,pero sa ngayon.kain muna tayo,flight muna bukas." Sabi niya "Pero,after this magbihis ka.gagala tayo." Sabi niya saakin

Niyakap ko siya ng mahigpit,mamimiss ko tong lalaking 'to,sobra. "Mamimiss din kita bestfriend!mahal kita.sana maalala mo na ako." Binulong ko yung last part baka magtaka pa siya.

Kumalas ako sa yakap "Tama na ang drama!halika na,Jairus.kain ka na!". Sabi ko,pumunta kami sa kusina.napangiti na lamang ako,masakit parin eh.masakit parin malaman na bestfriend ko nalang siya.

kumain kami ng marami,adik talaga kami sa pagkain ni Mendoza.pero,hanggang sa isip ko nalang kapag tinawag ko siyang Mendoza.namimiss ko na ang Mendoza ko.yung Mendoza na minahal ko,yung mamahalin ko,at hindi ko na iiwanan pa.pero,nagbago ang lahat,maraming nagbago.pero di nabago na mahal na mahal ko siya.

"Ang sarap niyo po talaga magluto ng Beef steak!Jash.dito na ako magoovernight para makakain ako ng masarap,kasi si Catalia puro KFC eh.araw-araw".Ngumiti ako sakanya,he's still the happy-go-lucky man.pero,hindi na ako laman ng puso niya Si Lia na.

Pumunta ako sa kwarto pagkatapos kumain,hindi ko na kaya na binabanggit ni Jai yang Catalia na yan,siya ang may gawa ng lahat.siya ang sumisira samin.hindi naman magsama magmahal pero yung makakasira ka na para makuha mo lang ang pagmamahal na'yon?hindi yata tama 'yon.

*toktok*

Nagpunas ako ng luha ko,namimiss ko na si Mendoza,miss na miss.

"P-pasok." Sabi ko,pagkapasok ay alam ko namang si Jairus yon.lagi na yata siyang nandito sa bahay,si catalia kasi di naman siya pinapahalgahan pero alam niyang mahal siya nito,alam ko din yun.pero akala ko ba gusto niya si jairus?ba't di niya alagaan yung boyfriend niya?!tangina.

"Best." Kumirot ang puso ko, best.hanggang dun ka nalang shandelle,hanggang dun.

Ngumiti ako sakanya "Upo ka." Sabi ko umupo naman siya atyaka ako inakbayan.

Nakangiti siya at ganun din ako,napatingin ako sa kanya ganun din siya "Alam mo,pamilyar ka eh.di ko alam ah,pero sa tingin ko Shands your more than a friend,bestfriend rather."

I was your first and great love,Mendoza.but i don't what's our label now.bestfriend maybe.

"Alam mo,AJ wag mo na akong alalahanin,im here for you.yan ang tandaan mo!baka magkasakit ka pa sa kakaalala sa'kin.wait ah,maliligo lang ako." Sanay na siyang hinihintay akong maligo,tapos minsan may towel na siya dito,para dito na daw siya maligo.

Evil Bad GirlWhere stories live. Discover now