49

8.8K 333 1
                                    

Published date: December 24, 2015
--

FRISEYN's POV.

Nandito kami ngayon sa beach. Naliligo sila samantalang ako ay nakaupo lang sa may buhangin.

Nilalanghap ang sariwang hangin. masarap sa pakiramdam ang ganto.

Sana ganto nalang palagi walang 'Misyon' at walang 'Hadlang' Kaso alam ko namang hindi pwede.

Napabuntong hininga nalang ako.

"Lalim ng iniisip mo ah?"

Napangiti nalang ako, hindi din naman magtatagal, aalis na din kami dito sa mundo ng mga mortal.

Siguradong mamimiss ko itong lalaking nagpatibok ng puso ko.

"Ahm.. napapaisip lang"Sagot ko sa kanya.

Umupo naman sya sa tabi ko.

"Tungkol saan?"

Napangiti ako at napapikit.

"Sa sayang nararamdaman ko. Ayoko kasing matapos e"sagot ko.

"Sino ba may sabing matatapos?"

Napaharap naman ako sa kanya.

"Hindi ba matatapos?"kunwa'y tanong ko.

"As long as you're with me, hinding hindi. I assure that"nakangiting ani nito.

Ngumiti din ako.

Sana nga.

"Bakit hindi ka pa maligo?"biglang tanong nito.

"Hmm. Ayoko lang"

"Tara, it's time for you to enjoy the beach"nakangiting alok nya.

Tumango naman ako.

Hinawakan nya ang kamay ko at inalalayang tumayo. Sabay kaming pumunta sa kinaroonan nila Aireen.

"The lovebirds is here! Sis kung hindi ka pa pala puntahan ni Tyler dun hindi ka pamagswi-swimming!"pang aasar ni Fraince.

"Walang basagan ng trip Fraince! Loka ka talaga!"Sigaw ni Aireen sa kanya.

Umirap lang si Fraince at nakipagharutan na sa boyfriend nya, Yah harutan talaga haha! Sobrang PDA nila at walang pinipiling lugar.

"Love, huwag ka ng mainggit sa kanila"bulong ni Tyler at niyakap ako.

Bigla naman akong nakaramdam ng hiya.

"Wag kang pda tsk"ani ko dito. Ngumiti lang sya saakin.

Bumitaw naman sya sa pagkakayakap saakin.

Bigla naman akong nagtanggal ng floral dress ko, upang makapagswimming na kami.

"Witwiw!"

"WOW!"

"Ang Hot"

Napa tss nalang ako sa mga papuring sinasabi ng mga tao.

Tinignan ko si Tyler at nakanganga lang sya, impressive ha?

Nang makabalik sya sa reyalidad nya ay dali dali nyang pinulot ang mga damit ko at lumpait saakin.

"Love! Isuot mo ulit to dali!!"Aligagang aniya

"Luh? Para saan pa ang swim suit nya kung hindi nya susuotin?"sigaw ni Fraince kaya nagtawanan kami.

The Four Nerds And The Campus Prince (COMPLETED) [Alien Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon