Chapter 5: Equinox "The Reaper"

1.7K 106 7
                                    


Chapter 5


Chrome Pov:


"Ugh" mahina kong daing ng may maramdamang mainit na likido na unti unting pumapasok saakin, weird, bago ito sa aking sistema at hindi ko maipaliwanag ang pakiramdam masyadong kakaiba, masyadong mainit, masyadong masarap?


"Ugh..., Ugh" sunod sunod na daing ko ng maramdamang hindi parin tumitigil ang pumapasok saakin at nandoon parin ang sensasyon. Naramdamang kong nagpapawis na ako dahil sa sobrang init nito.


"Pak" Bigla akong napamulat at mabilisang tumayo at pumisisyon sa aniyong may kalaban, bigla ko kasing naramdaman ang isang atake na tumama direkta sa aking mukha sino pa bang gagawa non diba malamang isang mobs o isang pla-


And at that moment, seryoso pa akong nakapose na parang baliw at nakanganga sa sobrang gulat dahil don ko lang napansin ang isang babaing player na nakatingin—Ah I mean na nandidilat saakin habang nakahawak sa kaniyang noo na namumula habang nagnigingitngit pa ang kaniyang ngipin at parang naiimagine ko na naguusok ang kaniyang ilong sa sobrang galit at parang torong aataki saakin.


Pero kabaligtaran ang kaniyang ginawa sa halip na gumanti dinaan nalang niya ako sa katarayan niya


"Tanga ka ba talaga o sadyang nagtatanga tangahan lang, ugh nevermind tanga ka talaga." Nandidilat matang bigkas nito sa akin. Ouch ang hard naman niya sayang ang ganda niya pa naman. Mukhang di kami magkakasundo.


"Teka lang miss ha what's the point on saying stupid on someone the first time you meet them." Pa cool ko nalang na sabi habang pasimpleng nagkakamot ng batok, pagod pa ako para makipag away besides babae siya there's no need for a sudden blood scene.


"Ugh stupid wala ka ba manlang naaalala?, From my perspective kanina naghuhunt lang ako ng mga mobs para magpalevel sa katabing forest nitong kinalalagyan natin nang may marinig akong malakas na sigaw ng isang mobs kaya di na ako nagdalawang isip at sinundan ang direksiyon ng boses at ikaw na halos maubusan na ng HP ang naabutan ko." Taray talaga, Teka? Bigla akong napatigil sandali at parang rumaragasang tubig na matagal nang nakaimbak ang sunod sunod at mabilis na pag pasok ng memorya sa aking isipan, bawat galaw, bawat pangyayari walang pinalagpas ni ang anyo ng mob na nakalaban ko alalang alala ko ang itsura hays muntik na pala akong mamatay.


"Ahh may nakalaban lang ako kanina na high leveled mob at muntik na akong mamatay." Maikling bigkas ko kahit na nacucurious ako kung bakit hanggang paggising ko nandito siya at inaantay ako usually kasi pag iba yon aalis nalang at iiwanan ako, gayunman kahit marami akong katanungan na gustong itanong hahayaan ko siyang siya na ang magpaliwanag ng lahat.


"High leveled?, Paanong high leveled mga level 18 na mobs? Parang napakalala naman yata ng kinalabasan ng duel niyo, tingnan mo yung paligid mo parang may giyerang naganap dito." Sinunod ko siya at tiningnan ang kapaligiran tama nga siya parang ngang ginawang sentro ng giyera ang bahaging ito ng forest. Teka teka sino nga ulit siya?


"Yon nga ang kahina hinala ehh isang level 56 aerial mob ang nandito pretty unusual dahil sabi sa info ng map level 15-18 players and up ang mga suitable para makapag sabayan sa mga mobs dito, so paanong nagkaroon ng ganong ka advance na mob dito sa lugar na ito." Mahaba kong paliwanag sakaniya at bigla naman akong nagulat nang pandilatan niya ako ng mata, parang mas nakakatakot pa siya sa mob kahit napakaganda naman talaga niya.

Sword Enchanter Online: RevisingWhere stories live. Discover now