Chapter 15: He isn't Epic for Nothing, Afterall

882 45 15
                                    


Chrome's Pov:


Humanoid Mob, One of the most feared kind of a Mob in the Game, But when you think of it, What's the advantage of a humanoid mob?,


The explanation goes as kapag mas maliit ang katawan ng isa mas nagiging compress ang kaniyang kapangyarihan. Mas lalo itong nagsasama sama at nagiging halos puro na talaga namang mas makapangyarihan.


Kung titingnan natin ang kalagayan namin sa ngayon, medyo masama ang lagay namin dahil mataas pa ang hp ng boss at malapit na ding maexpire ang transformation ko. Medyo minadali talaga ng mga game masters ang Paglaunch ng ganitong event,


Pero hindi na yan ang problema ngayon!, Tapos na ang transformation ng Epic Boss at nakatingin na ito saamin. Habang patagal ng patagal mas lalong bumibigat ang aura ng boss, pinapakita niya ang antas ng kaniyang kapangyarihan.


Sa sobrang lakas ng kaniyang aura eh halos hindi na kami makahinga,


Hindi ko alam kung ano ang nangyari pero bigla nalang bumulagta ang halos 100 players, may bakas na pagkadurog ng lupa sa kanilang kinapupwestuhan.


Takte!, mas lalong bumilis ang boss, sinisimulan na niya kaming ubusin. Sa pamamagitan ng di pangkaraniwang bilis eh agad siyang nagpapalipat-lipat, player by player, at sinisimulan silang atakihin. Ang problema one--hit lang sila.


Halos masimot na kami dahil sa sobrang lakas ng boss, daan daan na ang nasawi at malungkot nalamang na nakatunghay sa ilabas.


Kami naman dito sa loob na halos nasa 500 nalang eh walang magawa kundi magcast ng mga AOE skills para kahit papaano eh matamaan siya


Sa ngayon ang life nalang niya eh nasa 51% pa, 1 min na lang din eh matatapos na ang form ko. Kaya no choice ako kundi simulan nang umataki sakanya, sa ngayon ako palang ang medyo nakakasabay sa kaniyang di pangkaraniwang bilis.


Aatakihin niya sana ang isang player ng mabilis kong ihambalos sakaniya ang tubig. Mabilis naman siyang napatalsik sa kabilang side ng harang.


Kahit mukhang impossible eh agad namang nagpatambling tumbling ang boss para mabawi ang kaniyang balanse.


At sa isang kisap mata lang agad siyang nagpakawala ng mga rock spikes sa lahat ng direksyon, An Omni Direction Attack, Kilala ito bilang isang ultra AOE Attack na mahirap ma acquire. 


Kaya agad naman akong bumawi sakaniya sa pamamagitan ng pagpapalabas ng aking majika,


Ipinaikot ko ito sa aking katawan bilang depensa at opensa. Dahil ako ang nasa harapan habang ang iba naman ay nasa likod eh ang mga rock spikes na gawa ng boss ay bumangga sa aking Water Tornado


Hindi ko naman hinayaang maubos oras kaya sa pamamagtan ng napaktinding consentrasyon eh ginawa kong tubig ang aking katawan, halos maubos ang mana ko para lang makumpleto itong technique

Sword Enchanter Online: RevisingWhere stories live. Discover now