15

103 7 0
                                    

CATARINA.

Naalimpungatan ako nang tumunog yung cellphone ko. Nasa kalagitnaan ako nang pagtulog for Heaven's Sake! T_T

D.A Calling...

Parang nagising lahat ng cells ko sa katawan nang makita kong tumatawag si Aki. Kinabahan ako kaya sinagot ko agad.

"Aki? Anong nangyari?"

[C-Cat-Cata...rina.] Unang beses niya akong tinawag sa pangalan ko kaya naman kinabahan ako.

"Hello? Bakit ganyan ang boses mo? Tell me, ayos ka lang ba?" Nangangatog yung kamay ko dahil sa kaba. Shetness.

[I n-need you.]

Hindi maiwasang hindi kumabog yung dibdib ko dahil sa sinabi niya. H-he needs me daw!

"Teka. Ano ba talaga ang nangyayari!?"

[I-I don't k-know--- toot toot toot]

Namatay ang tawag kaya naman inayos ko lang ang buhok ko at itinali ng pa-bun, kinuha ko na din ang wallet ko at saka lumabas ng kwarto. Pumunta ako sa kwarto ni Papa. As expected, hindi pa siya natutulog dahil nagku-kwenta pa siya ng mga utang.

"Papa."

"Oh anak? Bakit gising ka pa? Hating gabi na ha? May problema ba?"

"Papa, pupuntahan ko po yung kaibigan ko. Emergency po ata. Ako po kasi yung unang tinawagan. Babalik din naman ako kaagad Pa. Pleaseeee~" Nag puppy eyes pa ako para naman effective!

"Osiya siya. Ihahatid kita sa sakayan." Buti nalang at madaming dumadaan na taxi sa kanto namin. Malapit lang naman talga ang bahay nina Aki sa amin pero masyado nang delikado kung maglalakad pa ako. It's 1 o'clock in the morning. Baka may dumukot pa ng lamang loob ko dyan sa tabi tabi eh.

"Dito nalang ako Pa. Babalik din po ako kaagad. Emergency lang talaga." Kumiss ako kay Papa bago sumakay ng taxi.

"Ingat nak." Buti nalang talaga at mabait at understanding si Papa.

Sinabi ko yung address nina Aki sa driver. Habang nasa biyahe ay hindi ko maiwasang mag-alala. Ilang beses ko na ding tinawagan ang phone niya pero unavailable na.

Nagbayad na ako sa driver at saka nagdoorbell ng paulit ulit.

Lumabas naman si Nanay at binuksan ang gate, "Oh iha? Gabing gabi na ha? Anong ginagawa mo rito?" Nagkukusot pa ng mata si Nanay ng pagbuksan niya ako ng gate.

"'Nay, si Aki po kasi tumawag sa akin. Yung boses niya hindi maipaliwanag kaya po pumunta ako dito." Agad din naman niyang niluwagan ang pagkakabukas ng gate at pinapasok na ako. Patakbo akong unakyat ng hagdan at nagmadaling makarating sa kwarto niya.

"Aki?" Naabutan ko si Aki na balot na balot na ng kumot at nanginginig.

"Aki? Aki." Tinapik tapik ko pa siya sa pisngi para magising siya. Halos mapaso din ako dahil sobrang init niya talaga!

"C-Catarina." Nakahinga ako ng maluwag nung sumagot pa siya.

"Kailangan mo ng madala sa ospital. Masyado ng mataas ang lagnat mo!" Tinulungan ko siyang tumayo.

O////O

"A-Aki. O-Ospital." Dalawang words nalang ang lumabas sa bibig ko dahil sa ginawa niya.

Bigla niya akong niyakap ng mahigpit. As in mahigpit! Naka-upo na kaming pareho ngayon. Nararamdaman ko yung init niya. Waaaa. Baka ako naman mahawa dito.

The Playboy's DestinyWhere stories live. Discover now