- L : 5 -

542 21 2
                                    





Tumitig ako sa salamin, hawak ang mga pilak na hibla sa aking buhok.

"Nagiging ulyanin na ba ako?" bulong ko sa sarili.

Nakabalik na ako sa palasyo matapos ang pagbisita ko sa Rena. Dalawang oras lamang ako nagtagal doon. Inimbitahan pa ako ni Ninette sa kanilang mansyon para maghapunan pero nagdahilan na lamang akong mag-aalala si ama pag nagtagal ako doon. Hindi ako nakatakas sa tingin ni Rowan. Wala na akong pakialam sa iniisip ng Pinuno.

Lalo na kung patungkol kay Eufemia 'yon.

Tulad nang napag-usapan namin ni Eufy, magpapanggap siya na tila walang nangyari. Na ayos lang ang lahat. Na masaya siya. Nanatili siya sa Rena upang tumulong raw kay Adam sa clinic.

"Rebecca!" tawag ko.

Lumabas naman ang aking lingkod mula sa aking banyo. "Bakit po-"

Sumimangot ako. "Normal ba 'to?" Ipinakita ko sa kanya ang mga pilak kong hibla ng buhok. "Hindi ba taglay lang 'to ng mga matatanda?"

Nanlaki naman ang mga mata niya pagkakita sa aking buhok. Nabitawan pa niya ang dala niyang panlinis ng banyo at nagmamadaling pumunta sa isang tokador sa kwarto. Nang lumapit siyang muli ay may ngiti sa kanyang bibig, sa kamay niya'y isang kahon ng pangkulay sa buhok.

"Ano 'yan?" tanong ko.

"Nais niyong itago ang mga pilak niyong hibla," sabi ni Rebecca habang ginagabayan ako sa banyo. "May darating pa namang mga bisita ngayon."

"Bisita?"

"Mm," masayang sagot ni Rebecca. "Darating ang mga anak ng Konseho."



──────⊹⊱✫⊰⊹──────



Suot ang asul na bestida at ang aking tiara ay tumungo ako sa silid-tanggapan para sa mga bisita. Elegante akong pumasok sa mga pintuan at naramdaman ko agad ang mga matang tumingin sa'kin. Nagkaroon ako ng ngiting mapagmalaki nang mapansin ang paghanga ng mga ka-edad kong babae sa'kin.

"Mahal na Prinsesa," yumukod ang lahat, maging ang mga magulang nilang kabilang sa Konseho.

Ibinaba ko nang kaunti ang aking ulo bilang tugon. Mayroon ding mga lalaki sa loob ng silid, lahat ay nakadamit ng pormal. Tumingin ako sa isang lalaking may pulang buhok at agad siyang tumayo nang mas matuwid. Itinago niya ang namumula niyang pisngi gamit ng kamay.

Isang batang babae ang kumuha ng aking kamay.

"Prinsesa!" masaya nitong tawag. "Magpapasa ka din po ba?"

Gulat na inilayo ng kanyang ina ang bata sa'kin. "P-Pasensya na po, Prinsesa. Hindi niya sinasadyang hawakan ka."

Nangiwi ako. Alam kong bawal akong basta-bastang hawakan ngunit sa takot sa mukha ng ina ay tila ba ipapapugot ko sila kapag hindi siya humingi ng tawad. Ngumiti ako nang pilit. "Ayos lang." Lumuhod ako upang lumebel sa mukha ng bata. "Anong ibig mong sabihing magpapasa?"

Paraisla ii: KahaliliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon