Shape Shifting

639 48 2
                                    

3rd Person's POV

Umiikot ang paningin ni Luhan at naramdaman nya na may umalalay at humila sa kanya palabas ng kwarto ng higante.

Nanghina sya dahil sa nabigla ang katawan nya at hindi napaghandaan ang sobrang laking halimaw. Pinilit nyang kontrolin ang higante at patayin ito ngunit may naramdaman syang kapangyarihan ng kumokontra sa kanya.

Kahit nahihilo ay sinubukan nya na tignan kung ano ang nangyayari sa loob.

Isang malaking ahas na mas malaki pa sa higante ang ngayon ay nakapulupot dito at isang malaking puting dragon na may bahid na ginto ang kaliskis ang lumilipad sa may ulohan ng higante at kinakalmot ito gamit ang malalaki nitong kuko.

Sobrang lalakas na ungol at sigaw ang dumadagundong at dahil dun ay tuluyan na syang napapikit sandali dahil sa pagsakit ng kanyang ulo.

"Shit. I knew it. Napasahan ka na nya ng kung anong salamangka na galing sa pangalawang bantay."

Kanina nya pa naririnig ang boses na yun at alam nya kung kanino nanggagaling.

Simula pa lang ay alam na naman nya ang lahat dahil nababasa nya ang isip nila, lalong lalo na ang sa kanya.

Napansin ni Luhan na hindi makapaniwala si Sunny na tinutulungan sila ngayon ni Jessica. Natawa ang binata.

"Kung sinabi mo na lang kasi sa kanila ang lahat sa umpisa pa lang.",bulong nya sa dalaga na may binubuksan na bote at ipinainom sa kanya.

"Kung ginawa ko nga, edi nagka-gulo gulo na ang lahat."

Napangisi si Luhan dahil sa narinig.

"Hindi pa nga ba?"

Hindi sumagot ang babae. Tumayo na si Luhan nang maramdaman ang pagbabalik ng lakas.

"Luhan!" Napalingon sya at nakita si Yoona na umiiyak. Nabigla sya nang yumakap ito sa kanya.

"A-Akala ko eh mawawala na kayo ni Tao."

Umiiyak lang ang dalaga habang nakayakap sa kanya. Hindi na nabigla ang ilan dahil sa ginawa ni Yoona. Alam nila ang dahilan nito. Ayaw na ng dalaga na may nawawala dahil simula pa nung bata sya ay lahat ng mahal nya sa buhay ay iniwan sya.

Miski si Luhan ay alam yun.

"Shh. We won't.",alo ng binata sa kanya. Kumalas ang dalaga sa pagkakayakap sa kanya.

"Sorry. Haha."

Ngumiti lang si Luhan at hinimas himas ang likod ni Yoona.

Tumingin si Yoona kay Jessica. Walang nagsasalita sa kanila.Parehas nilang alam na malilinaw rin ang lahat.

Nang mabawi na ni Tao ang kanyang lakas,muli silang naglakad sa pasilyo at si Jessica na ang nanguna.

Pagdating sa pangalawang pinto ay basta na lang binuksan ni Jessica ito nang walang sabi sabi. At nagulat ang lahat sa nakita bukod kay Luhan at Jessica.

"M-Minho?!"

Nakangiti lang ang guardian nila na si Minho.

"Anong ginagawa mo dito? Ikaw ba ang pangalawang bantay?",tanong ni Sunny at nilapitan pa ang binata.

"Hahaha. Oo,ako nga."

"Ano?!",sabay sabay nilang sabi.

"Grabe!Bakit ang daming sikreto at kababalaghan sa mundo nyo?!" Hinihimas himas pa ni Sunny ang sentido na parang nananakit ito.

"Huwag kayong mag-alala,magiging maayos din ang lahat."

Tumingin ang binata kay Luhan at nanlaki ang mga mata nito dahil sa nabasa sa isip ni Minho.

"Kilala mo ako.Hindi ko magagawa yan,Minho!"

Naging seryoso ang mukha nito dahil sa narinig at nilapitan si Luhan.

"Anong pipiliin mo,ang kaligtasan ko? O ang kaligtasan ng lahat ng buhay sa Lost Galaxy?"

Ngumisi ito.

"Sabagay,kung hindi mo kaya eh pwede naman na si Jessica na lang ang gumawa. Ang kaso nga lang magkakalat tayo ng dugo. Pfft. Tsaka baka mapatay pa ako nyan eh, may kasalanan kasi ako." At nagawa pa nito na tumawa.

Naguguluhan ang iba kaya naman hindi napigilan ni Seohyun ang sarili sa pagtatanong.

"Bakit? Ano ba ang kailangan gawin?"

Napatingin si Luhan at Minho sa kanya.

"Seo, ang sabi ko kasi kay Luhan eh sugatan nya ako at balian ng ilang buto."

Nanlaki ang kanilang mga mata dahil dun.

"Sa ganoon na paraan lang maniniwala ang mga halimaw sa itaas na hinarang ko kayo at nilabanan talaga. Baka kasi magtaka dahil yung higante mamatay matay na tapos ako walang galos."

Kahit naiintindihan nila ang dahilan nito ay hindi nila maisip kung anong kahihinatnan ng plano nya.

"Pfft. Gagaling din ako agad. Salamangkero nga eh!" Tumawa pa ito.

Ilang sandali pa ay nakapagdesisyon na si Luhan na pumayag sa plano ni Minho kahot hindi nya gusto ito. Pina-alalahanan muna sila ng binata tungkol sa pangatlong bantay at may ibinigay pa ito na tatlong bote sa kanila.

"Siguraduhin nyo na asintado ha?",sabi nito bago sila lumabas ng kwarto ay si Luhan lang ang natira.

Maya maya pa ay napapikit na lang ng mariin si Seohyun at tinakpan ang dalawang tenga upang hindi marinig ang mga ungol at hinaing ni Minho na nasasaktan. Munti na syang manlambot dahil sa naririnig.

Paglabas ni Luhan ay nanlulumo ito at hindi makausap ng panandalian.

Kahit na para sa misyon nila ay hindi nya matanggap na sa mismong kaibigan nya mismo ginamit ang ganoon na paraan.

"Huwag kang mag-alala. Sanay yun."

Sa sinabi na yun ni Jessica ay hindi pa rin sya kuntento. Malinaw ang nabasa ni Luhan sa isipan ni Minho at hindi nya alam kung anong mararamdaman.

Kahit ganun na ang kalagayan nya ay ayos lang dahil ginagawa nya ito para sa kaligtasan ng iba.

"We're here. The last door of hell.",sambit ni Jessica at tumingin sa kanila.

Lumakas ang tibok ng puso ng mga dalaga.Kinabahan sila at hindi nila alam kung bakit.

Nararamdaman nila ang malakas na presensya na nagmumula sa kabilang dako ng pintuan.

[1] Adventures of Exo and the Nine FairiesWhere stories live. Discover now