Leader

1.2K 82 6
                                    

Baekhyun's POV

"Yuri, marunong ka ba talagang magluto?",tanong ni Kris hyung sa kanya habang pinapanood namin syang tatlo.

"Oo naman!", sabi nya at naglagay ng asin ata sa niluluto nya.

"Pfft."

Nilingon ko si Chen at bigla syang humalakhak ng malakas kaya napalingon na rin yung dalawa sa kanya.

"Problema mo?", tanong ko.

"Ahahahaha! Yuri, sigurado ka ba sa mga inilalagay mo dyan? Pfft. Hahaha."

"Oo nga! Bakit ba?! Parang wala kang tiwala sakin ah."

Humalakhak sya ng mas malakas bago biglang tumahimik at magsalita ulit.

"Ok. Ang sarap siguro nyan. Ang daming asukal eh."

" ... "

"Wahahahahahahaha!", tawa namin. Pati si Kris hyung ay nakitawa na rin. Hahahaha. Shet. Ang galing talaga ni Yul!

Habang tumatawa kami ay nakita ko ang pagbabago ng ekspresyon nya kaya mas lalo pa akong natawa. Grabe. Hahaha.

Napatigil na lang kami sa pagtawa nang may marinig kaming kumalabog at paglingon namin ay wala na si Yuri.

"Hala! Pinikon nyo hyung. Hahaha.", asar ko sa kanila.

Natawa na lang ulit si Chen habang si Kris hyung ay nakangiti ng nakakaloko.Dahil wala nang pag-asang makakain kami ngayong tanghali ay tumambay na lang kami sa sala. Hay. Nasaan na ba sila?

"Gutom na akoooo~"

Grabe. Hindi pa kami kumakain. Yung tyan ko galit na.

Napatingin kami ni Chen kay Kris hyung nang tumayo sya. "Tara. Ayokong mamatay sa gutom."

Napangiti kaming dalawa at tumayo na din. Yes! Kakain na. Hahaha!

"Tawagin nyo si Yul. Baka mag-bigti yun!",sabi ko saka tumawa. Si Chen naman ay umakyat na para puntahan si Yuri sa kwarto nya.

---

"Woo! Solve na ako. Pwede naman pala tayong kumain sa labas eh."

Pumunta kami dito sa may park kung saan maraming nagti-tinda ng streetfoods. Sabi kasi ni Yuri ay mura at masarap ang pagkain dito at tama nga sya.

"Ang daming tao ngayon dito ah.", sabi ni Chen habang nakatingin sa mga taong dumadaan.

"May event kasi. Nood tayo?",aya naman ni Yul. Pumayag naman kami dahil wala rin namang gagawin sa bahay. Tutunganga lang kami eh. Bukas pa kami ite-train ni Kris hyung.

Lumapit kami dun sa mga kumpol ng tao. Sa harapan ay may stage at mga nagsa-sayaw.

Ahh. Contest ata.

"She's here.",rinig kong bulong ni Yuri na nasa tabi ko.

Ano daw? Sinong---

Shit. Yung emblem nailaw!

"Hyung!",tawag ko kay Kris hyung at tumango naman sya. Naghiwa-hiwalay kami para hanapin yung huling fairy.

Nakipag-siksikan ako dahil sobrang daming tao. Tinignan ko ang emblem at medyo mahina pa ang ilaw nya,pero nang papalapit na ako sa harapan kung nasaan ang stage ay biglang lumakas ang ilaw nito. Tumingin ako dun at nakitang naka-hilera yung mga kadidato ng contest. Lima dun ang babae. Patapos na ang contest at bumaba na silang lahat mula sa stage kaya ako naman ay tumakbo papalapit.

Malapit na ako sa backstage at nakita kong magka-kasama yung mga babae. Sino ba sa kanila?!!!

Isang may brown na buhok, dalawang may black at dalawa din na blonde.

Lalapit na sana ako sa kanila nang biglang may humarang. "Sir,hindi po kayo pwede dito."

Tinignan ko yung guard at nagsalita, "Kakilala ko sila.",sabi ko at itinuro yung mga babae.Tumingin dun yung guard.

"Sandali lang ho.",sabi nya sakin at may kinausap na staff ata. Tinawag naman nung staff yung mga babae at papalapit na sila ngayon samin nung guard.

Yes!

"Mga ma'am kakilala nyo ho ba sya?",tanong nung guard sa kanila. Tinignan nila akong lahat at saka sila nagkatinginan.

Lumapit sakin yung may brown na buhok at tinignan ako mula ulo hanggang paa. Huh?

"Hmm. Gwapo ka eh,err,kaso hindi ka namin kilala. Ah! Baka naman gusto mo magpakilala? Hahaha.",sabi nya.

Napangiti ako pero may tumawag na sa kanila.

"Aww. We need to go na eh. Sorry. Bye kuyang pogi!"

At umalis na sila.

Shit.

Hahabulin ko sana nang bigla akong pigilan nung guard. Bwisit.

*-*-*
D.O.'s POV

"You almost got her!!! What the hell?!",sigaw ni Jessica sa kanila. Tsk.

"Hindi nga kami sigurado Sica.",sabi naman ni Yuri.

Napa-iling na lang sya at umupo sa tabi ni Taeyeon.

Kauuwi lang namin at sinabi nila ang lahat ng nangyari. Naiintindihan ko si Jessica kung bakit sya nagagalit ng ganyan.Buong araw kaming nag-hanap sa wala,tapos malalaman namin na malapit na sila sa huling fairy pero hindi pa nila nakita.

Napa-buntong hininga na lang ako. Wala rin naman mangyayari kung lahat kami ay magagalit.

"Okay. Kumalma muna tayo. Hindi tayo makakapag-usap ng maayos sa ganito.",sabi ni Taeyeon. "Kumalap tayo ng impormasyon tungkol dun sa limang babaeng nakita ni Baekhyun at isa-isahin natin silang puntahan. Yun na ang magiging plano natin ngayon."

Lahat naman ay pumayag dun.

"Pero habang ginagawa natin yun ay kailangan din natin na mag-training para walang nasasayang na oras.",dagdag pa nya.

Tama sya.

Tinignan kong mabuti si Taeyeon. Kitang kita sa mata nya na pursigido sya.Gagawin nya ang lahat para magawa ang misyon nya. Hindi maikakaila na ang Majesties nga ang humubog sa kanya.

At dahil sya ang napiling hubugin ng Majesties ay siguradong sya ang magiging leader ng mga Fairies. Bukod sa marami syang kaalaman ay sya din ang pinaka-malakas sa kanilang lahat.

[1] Adventures of Exo and the Nine FairiesWhere stories live. Discover now