Chapter 15 - Will Never Forget

22 5 0
                                    

Chapter 15- Will Never Forget

Rae' s POV

Ako po ay talagang kinakabahan.

At hindi ko alam ang dahilan.

Sa lahat ng mga taong narito,

Ako po ay nagpapasalamat sa inyo.

Ano ba Rae! Yang mga iniisip mo!

High ka ba ngayon!?

Kaloka si Konsenya sa loob ko!

Kay Fine!!

Leche!! Naaalala ko tuloy si Jackson ng GOT7.

JUST RELAX.......

HAYUUUUP! PAANO!?

You just have to enjoy!

Napapikit na naman ako sa narinig kong boses sa loob ng ulo ko.

"Mendez!!!! Pwesto na!" dinig kong sigaw sa akin ng coordinator.

Kanina pa pala niya ako tinatawag.

Nakakunot tuloy ang makintab na noo ng coordinator na ito.

Walanghiyang panot!

Lumakad na lang na ako ng nakayuko. Bakit? Hindi ko alam.

Asan na yung confidence?

Bakit kasi ngayon ko pa ito naririnig?

Gising ako, gising na gising pero bakit parang binabangungot ako?

"Kailangan talagang masigawan muna bago gumalaw? Masyado ka nga talagang papansin, " nakangising sabi sa akin ni Mitchell.

Hindi ko na lang pinansin at inirapan na lang siya.

Sorry ha? Hindi ka kasi kapatol- patol.

"Players know the mechanics! We shall now start!"

Anunsyo ng emcee kaya naman nagsigawan na ang mga eatudyante na nanonood.

Ito na ang huling laro para sa Intrams.

Kaya naman talagang inaabangan itong larong to.

"Players, take your bows and your arrows. Huwag sasayangin ang kahit na ano. If you think you guys are sure, just let the arrow go."

Huminga ako ng malalim at muling inayos ang kung anong mga kailangan ko bago pumunta sa field.

Mas naunang pumunta sa field si Mitchel at.... At...... At wala akong pakialam.

Toss the Coin, iyon ang gagawin upang malaman kung sino ang unang titira.

Si Mitchel ang unang tinanong kaya naman siya na ang nagkaroon ng opportunity na piliin ang head. Lagi namang head ang lumalabas eh kaya naman alam ko ng siya ang unang titra mamaya.

At tama nga ang naging hinala ko. Head ang lumabas kaya naman siya ang unang titira. Pero mas maganda na rin kung ako ang pangalawa, para alam ko kung anong puntos ang kailangan kong lagpasan.

Pumito na ang coordinator kaya naman sinimulan na ni Mitchel na asintahin ang red circle kung saan ito ay katumbas ng sampung puntos.

10 points! Iyon ang puntos ng bilog na tinamaan niya! Naghiyawan ang mga tao na nanonood. Magaling nga talaga siya pero syempre hindi ako magpapatalo.

Mysterious HerOnde histórias criam vida. Descubra agora