Chapter 17- Defeat

16 2 0
                                    

Sorry sa last time po na nag update ako, iyong bata po is a batang babae po at hindi isang batang lalaki sorry po. Hindi ko pa po kasi naeedit.

---

Chapter 17- Defeat

Rae's POV

Ang ikawalong tira ay sisiguraduhin kong papalya ka na.

Ipinuwesto na niya ang arrow niya at sinubukang asintahin ang target ngunit nagulat ang lahat ng makitang ibinaba niya ang arrow na animoy nagaalangan.

Anong problema mo ngayon? Wala pa akong sinasabi, huwag kang excited!

"Is everything alright?" tanong ng conductor sa kanya at sinagot niya lang ng isang tango.

"Sinasayang mo ang mga pangaral sa iyo ng ate mo. Alam mong kapag nalaman niya kung ano ang mga pinaggagagawa mo ay paniguradong hindi niya ito magugustuhan. Ako na mismo ang nagsasabi sa iyo, walang kasalanan si Trish sa nangyari,"

"Ano bang alam mo!? Stop acting as if you know everything!?" inis na singhal niya sa akin na kakatwang hindi napansin ng conductor.

"I may not know everything but atleast I know something which is good enough for me to give you this kind of conversations,"

"Is this your way to win? How desperate of you!" nangiinsultong bulong niya sa akin.

"Huh! Look who's talking! Ikaw ang nagsimula kaya dapat tapusin mo, kung hindi mo kaya ako ang mismong tatapos para sa iyo!" inis kong wika sa kaniya. "Please stop blaming Trish, walang kasalanan sa nangyari, walang may gusto sa nangyari. Please, para kay Trish, pansinin mo na siya. Hindi na niya kailangan pang humingi ng tawad sa isang kasalangang hindi niya naman ginawa."

Nagulat ako ng makitang magsimulang mangilid ang mga luha niya.

"Why are you doing this?"

"Dahil ito ang ginagawa ng isang kaibigan para sa kaibigan niya," sagot ko sa kaniya at hinarap na muli ang target.

Kitang-kita mula dito sa pwesto ko kung paanong manginig ang mga kamay niya.

Pinakawalan na niya ang tira niya at nagpakawala ng isang mahabang awwww ang mga nanonood.

8 puntos. Iyon ang nakuha niya.

Ika-9 na tira.

"You don't understand."

"Then let me understand so I can help you, the both of you," sagot ko sa kaniya na umaasang lalapitan na niya si Trish mamayang matapos ang game na ito.

Tumingin siya sa akin nang may nakikiusap na mga mata.

I will really help you!

Gusto ko iyong isigaw sa kaniya.

"But I can't just lose," nakangising turan niya sa akin kaya naman muntik na talaga akong mapamura ng malakas!

Walanjo naman o!

Edi sige!! Ang lakas mo nga ring talaga!

Nagsisimula na akong mainis sa kaniya kaya naman hindi ko na siya tinignan.

Masama na ako masyado kung gagamitin ko pa ang issue nila ni Trish kaya naman tumahimik na ako.

Natigil sa pag aayos ng arrow si Mitchel ng makuha ng emcee ng event ang atensyon naming dalawa.

Mysterious HerWhere stories live. Discover now