Chapter 16

3.1K 80 2
                                    

Pagpasok ko ng Cafe, nakita ko agad si Tita Camille, she looks mad.

"Goodmorning po Tita." Bati ko sa kanya.

"Sit down Nicholas." i know her, galit talaga siya she called me in my first name.

"Layuan mo ang anak ko. Kung ano man ang ugnayan ninyo, putulin mo na. Your engaged Nicholas. Wag mong gawing masamang babae ang anak ko sa mata ng ibang tao." Deretsahang sabi niya.

"Tita you know' that I love your daughter, may inaayos lang po ako but i will soon fixed all of this." Mahinahon kong sagot sa kanya.

"Nakaya niyang kalimutan ka and move on. Pero ginugulo mo na naman siya."

"Tita nagkakamali ka, hindi po kami nagkahiwalay ni Cassie." at naekwento ko sa kanya ang nangyari.

"Hindi po kami pwedeng maghiwalay lalo na't may nangyari na sa amin." Nagulat ako dahil sinampal ako ni Tita.

"WALANG HIYA KA!! MATAGAL NIYO NA PALA KAMING NILOLOKO AT GINALAW MO PA TALAGA ANG ANAK KO. LAYUAN MO ANG ANAK KO!!!!" at tuluyan nang umalis si Tita.

Hindi ko alam kong tamang sinabi ko sa kanya na hindi naman talaga kami naghiwalay ni Cassie at yong nangyari sa amin. Pero I think she deserved to know. Hindi ko ineexpect na mangyayari ang lahat ng to.

Cassie's POV

Nagkulong ako sa kwarto ko. I was crying, tinawagan ko si James pero hindi siya sumasagot. I wanted to call Megan pero baka hindi niya lang ako kausapin. Then may pumasok sa room ko, it was my Mom again, she was crying too.

"Bakit pati kami nagawa mong lokohin Cassandra? All this time, akala ko naka move on kana sa inyo ni James, only to find out na hindi naman pala kayo naghiwalay. You said you we're with Megan sa batangas pero magkasama pala kayo ni James, dinamay mo pa si Megan. And how could you allow na may mangyari sa inyo ng lalaking yon, Ikakasal na siya Cassandra, balak mo ba talagang maging kabit? Ano pang kasinungalingan ang tinatago mo Cassandra sabihin mo?" And Mom slapped me again.

"Makakarating to sa Daddy mo Cassandra." at umalis na si Mommy.

My God paano niyang nalaman ang lahat ng yon. Imposibleng si James ang nagsabi sa kanya. Bukod sa amin, isang tao lang ang may alam ng sekreto namin, Oh no.. sinabi ni Megan kay Mommy ang lahat.

Kaya ba sabi niya hindi na siya makikialam, si Mommy naman ang sinabihan niya. I texted Megan na magkita kami sa Park, I'm so mad at her 'akala ko pa naman mapagkakatiwalaan ko siya.



Megan's POV

Papunta akong Park sa village nila Bessy, doon kami madalas tumambay pag wala kami magawa. Okay na kami, lumipas na ang tampo ko sa kanya. May pagka childish lang talaga ako minsan.

"Bessy!" tawag ko sa kanya,yayakapin ko na sana siya pero sinigawan niya ako.

"DON'T BESSY ME! WAG MO AKONG LAPITAN. WAG MO NADIN AKONG KAKAUSAPIN, ETETXT, TATAWAGAN AT WAG KANG PUPUNTA SA BAHAY" nagulat ako, joke ba to? Anong sinasabi niya? Bakit galit na galit siya?

"Bakit Bessy? Anong nangyari? Galit ka ba? Anong kasalanan ko?" hinawakan ko siya sa kamay.

"Don't touched me! Bingi ka ba? Kakasabi ko lang! wag mo na akong kakausapin! Malaki kana Megan, hindi kana bata at isa pa hindi lang sayo umiikot ang mundo ko, hindi lang ikaw ang tao sa paligid ko. KAYA PWEDE BA!!!! TIGILAN MO NA AKO!" sinisigawan niya ako, hindi ko siya maintindihan ba't galit na galit siya. Wala naman akong ginawa.

"Ano bang kasalanan ko sayo? I hate you! at tumakbo na ako palayo sa kanya. She promised to be my bestfriend, na lagi niya muna akong pakikingan bago kung ano pa man. Nangako kami, we will always listen to each other. Always listen first.

Broken Promise (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon