Chapter 18

4K 95 1
                                    

James POV

Pinatawag ako ni Dad, ayoko sanang pumunta kasi baka about na naman to sa wedding ko with Denise.

I already told them na hindi ako magpapakasal kay Denise pero wala na daw akong magagawa. Its for our company, pwedeng mawala ang lahat ngpinaghirapan ni Dad pag tumanggi ako.

"Sit down Nicholas"..., si Dad.

"What do you want Dad?" naiinis ako, ayokong mawalan ng respeto sa ama ko pero kapag nagkikita kami gusto ko siyang kamuhian.

"You won Nicholas, the wedding is off. Malaya ka ng piliin ang babaeng mahal mo." Nagliwanag ang mundo ko, tama ba ang narinig ko?

"What? Totoo ba ito Dad?" I can't help it, napaiyak na ako sa tuwa.

"There's this big company na willing mag invest sa companya natin, open din sila for merger kung gusto natin. Mas malaki ang kompanyang ito compared to the Solidad na gaya din natin. In fact isa din sila sa biggest shareholder ng mga Solidad, naka usap ko na ang Tito Danilo mo at nakapagtatakang hindi manlang sila tumututol. Except for Denise, nagwawala yon kanina. Anyway Son, ngayon ko lang na realized, I don't want Denise as a daughter in law. Walang modo ang batang yon, napaka spoiled." Niyakap ko si Dad. Ang saya saya ko, finally wala na kaming problema ni Cassie.

"Thank you Dad, you don't know how happy i am." Napaluha ako.

"Im happy for you to anak. I'm so sorry kung naging mahigpit ako sa inyong magkapatid. Takot lang akong mawala sa atin ang kompanyang pinaghirapan naming itayo ng Lolo mo nong nabubuhay pa siya. Para din ito sa inyo ni Cedric."

"I understand Dad." Tapos nadin sa wakas ang hamon na to sa buhay namin ni Cassie.

"I m looking forward in meeting the love of your life." sabi ni Daddy na nakangiti.

"You will meet Cassie soon Dad. Wait Dad, kaninong companya yong tutulong sa atin?" Nakapagtatakang para itong hulog ng langit.

"Saka na daw natin malalaman, nag set na ako ng appoinment with them." sobrang saya ko talaga, kung sino man yon, blessing sila sa amin ni Cassie.

"Dad I have to go, Cassie should know about this." Pumunta ako sa bahay nila Cassie. Pinagbawalan siya ng Dad niyang makipagkita sa akin, kinuha pati ang phone nito.

Kailangan ko silang maka usap pero ayaw ako papasukin ng guard. Nag iskandalo na ako. Hindi ako aalis unless makausap ko ang mga magulang niya.

"Anong kailangan mo Nicholas? Ang lakas ng loob mong pumunta dito!" si tito Martin.

"Tito please pakinggan niyo lang po ako. Importante po ito. Alam niyo naman po na hindi ako masamang tao." Mabait ang mga magulang ni Cassie, kilala ko sila, naintindihan ko kung bakit nila ginagawa to, sino ba namang magulang ang gugustuhin ang lalaking engaged sa iba para sa anak nila. Kina usap ko si tito Martin, pinaliwanag ko sa kanya lahat. Lalaki din siya alam kong maiintindihan niya ako.

"Pwede niyo pong kausapin si Daddy Tito, para malaman ninyong nagsasabi ako ng totoo, Wala po akong gustong pakasalan kundi ang anak ninyo. Mahal na mahal ko po si Cassandra."

"Sige na James, naintindihan ko na. Alam mo naman sigurong ayoko lang na nasasaktan ang anak ko. Ako ng bahala sa Tita Camille mo, puntahan mo na si Cassie, nandon siya sa kwarto niya."

"Salamat po Tito," niyakap ko ang Dad ni Cassie, masaya akong okay na kami. Nagtaka si Tita Camille kung bakit kaakbay ako ni Tito papasok ng bahay nila. Pero hinila siya ni Tito papuntang Garden siya na daw ang bahala. Pinuntahan ko si Cassie sa kwarto niya, she was sitting nearby the window at nakatingin sa malayo.

Broken Promise (Completed)Where stories live. Discover now