Gusto mong layasan na si Brian. Palabas ka na sana ng hotel room nang bumungad ang ulo nito mula sa silid na pinagtataguan nito.
"Pwede mo ba akong tulungan?"
Napataas-kilay ka pero hindi ka umiling.
Apologetic na nginitian ka ni Bryan. "Medyo matatagalan pa kasi ako baka kako pwedeng i-assist mo ako sa papers ng mga estudyante ko. Malilibang ka na rin. Promise."
"Paano?" alanganin mong sagot.
May iniabot sa 'yong papel si Bryan. "Kopya 'yan ng mga tamang sagot. Ipapa-check ko sana sa 'yo ang last exam nila para ma-compute ko na ang grades ng isa pang section na hinahawakan ko. Pwede ba?"
Gusto mo na lang sanang ituloy ang pag-wa-walk out. Napatango ka na lang. Iginiya ka ni Bryan pabalik sa mesita. Noon mo nadiskubre na test papers pala ang nakapatong rito. Sobrang kapal ng tse-tsekan mo!
Napakamot ka na lang sa ulo mo nang iwan ka na uli ni Bryan para muling harapin ang laptop nito. Sa tingin mo, hindi na kayo makakapanood ng 'Star Wars' ni Bryan. Mabuburo ka na sa pag-che-check ng test papers ng estudyante nito.
Naalala mo ang babala ng malaking babae na isang serial killer si Bryan. Gusto mo nang maniwala. Pero hindi sa ideyang papatayin ka ni Bryan sa sakal, patalim o baril... kundi sa boredom!
At ayun na nga! Matapos ang buong hapong pagtse-tsek ng mga test papers ni Bryan, namatay na rin ang feelings mo para sa binata.
-The End-
___________________
>What a boring ending. Kung gusto mo ng ibang kapalaran, go to CHAPTER 23 – Responsible si Bryan.
_________________
Pa-vote po kung nagustuhan ang trahedyang ito. Fortunately, istorya lang po ito ng isang pilyang writer. Happy New Year :)
YOU ARE READING
Choose Your Destiny: The Right Guy
RomanceI am hopeful that one day I will meet that right man and will have a very happy life partner. ~Lara Giddings~ _____________________ WARNING: This is not your typical story. Hindi ito dapat basahin mula chapter 1 hanggang wakas. Ikaw si Terry. Nasa...