Chapter 29 - Fingers Crossed

67 9 5
                                    

So, what kung  amasona siya? Kung mapupukpok mo sa ulo si Melody, may chance kang makatakbo palabas at makahingi ng tulong.

Nilakasan mo pa ang loob mo at pumwesto ka sa may pinto ng kuwarto. Mga ilang bangga pa ay nabuksan na nga ni Melody ang pinto. Pero mukhang inaasahan niya ang gagawin mo. Sa pagpasok kasi ni Melody, naisangga niya ng isang braso ang tama ng laptop mo. 

Walang effort na naisalya ka niya nang buong lakas sa sahig.

"Melody, huwag mo akong patayin," pakiusap mo. Pero umamba na ang kutsilyo ng babae para sa 'yo.

"Malandi kayong lahat. Ano ba ang meron kayo na wala ako?"

Height? Naisaloob mo. Pwedeng sobra-sobra ang height mo para kay Bryan kaya hindi ka niya ma-typan? Gusto mo pa sanang sabihin.

Ang mang-okray ba? Mamamatay ka na lang, iyon pa ang nasa isipan mo?

Noon mo na-realize ang gamit na salitang 'kayo' ni Melody. Ano ang ibig nitong sabihin?

"Ako ang serial killer ng U.P.," amin ni Melody. "Napagdudahan na si Prof Bryan ang pumapatay ng mga estudyante. Pero ako talaga 'yon. Pinapatay ko ang mga babaeng na-li-link sa kanya. Malas mo na lang -!"

Akmang sasaksakin ka ni Melody nang biglang sumulpot si Bryan mula sa likuran. Nakipag-agawan ito kay Melody. Sa kasamaang-palad, ito ang nasugatan ng stalker.

Nasaksak ni Melody sa tagiliran nito si Bryan.

"Mahal ko!" Pinanlakihan sa takot ang mga mata ni Melody. Pero naningkit din sa poot ang mga iyon nang daluhan mo para tulungan si Bryan.

"Kasalanan mong babae ka kaya nasaktan ko siya!"

Galit na itinaas ni Melody ang patalim. Napapikit ka na lang. Then, nakarinig ka ng putok.

Nang magmulat ka, nakabulagta na si Melody. Nakatawag-pansin ang ingay n'yo sa isang nagrorondang security guard ng hotel. Ito ang bumaril kay Melody.

Nalagay sa ICU si Bryan. Masama ang naging tama kay Melody. Hindi ka umalis sa tabi nito hanggang sa maka-recover ang binata.

Nagkamabutihan kayo ni Bryan magmula nang insidenteng iyon. Matapos ang isang taon, nag-propose ng marriage sa 'yo si Bryan at nag-OO ka.

Muntikan ka nang mamatay dahil sa kanya. Pero napatunayan mo, handa ring mamatay si Bryan para sa 'yo. Gan'un na katindi ang pagmamahal ng binata para sa 'yo! Hindi ka na nag-alinlangan na aminin sa sarili mo na talagang mahal mo na rin siya.

-End-

_____________________

*Image photo credit: http://res.freestockphotos.biz/pictures/5/5661-a-pair-of-wedding-rings-isolated-on-a-white-background-pv.jpg

______________________

In dedication ko po kay  Miss klutsycontessa. Thanks for all your help. Salamat po sa inspirasyon :)

_______________________

>Sweet naman! Kung gusto mo pang sumubok ng ibang ending, go back to CHAPTER 4 – The Bachelors.






Choose Your Destiny: The Right GuyDonde viven las historias. Descúbrelo ahora