Chapter 62 : They're Back

3.9K 131 15
                                    

Chapter 62 : They're Back


*Cham's POV*


Ilang araw na ang nakalipas nang umalis si Gun sa University na to' nakakalungkot at nakakapanibago at the same time. Naka upo ako ngayon sa bench at tapos na ang una kong klase, hinihintay ko na lang ang susunod na oras para pumasok ulit ng room. Pagkatapos ng gabing yon na hindi namin inakala ay hindi padin namin alam ang susunod na hakbang na gagawin namin, nalaman ko din na drop out na si Gael at hindi man lang nagsabi sakin. Hindi ko na sya nakita matapos nya akong takbuhan nong dinala nya ako sa party na yon bilang muse nya, napaka daya nya talaga.


Napahinga ako ng malalim at pumikit saglit.


"You're over thinking again ?" -boses na nanggaling sa gilid ko.

Napatingin ako sa kanya at nagtama ang mga mata namin, ang mga mata nya na nangungusap lagi na parang may gustong sabihin. Naalala ko tuloy nung gabing hinalikan nya ako, aish ' eto na naman ang kabog ng dibdib ko bakit ba hindi ka tumitigil sa tuwing makikita ko ang taong to ?

Pilit nya akong pinausog at umupo sa tabi ko at saka ako tinignan ng naniningkit nyang mata.



"Are you okay ?" -lapit nya ng mukha nya sakin at from then ay naamoy ko talaga ang bango ng hininga nya.


"O-of course." -sambit ko saka iniwas ang tingin sa kanya.



"I miss you." -sabi nya saka tumingin sa malawak na field, teka, ano daw ?



"Huh ?" -taka kong tanong habang napalingon ulit sa kanya.




"Nothing, crazy brat." -sinandal nya ang likod nya sa sandalan ng upuan at pumikit.


Sobrang lapit nya sakin at kitang kita ko kung gaano ka perfect ang mukha nya lalo na ang ilong nya sobrang tangos na parang wala nang itatangos pa. Napangiti ako sa loob ko, hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng gabing yon at hinalikan nya ako, hindi ko alam kung anong lagay naming dalawa ngayon. Knowing this man ? hindi mo sya maiintindihan, kung anong gusto nyang mangyari at kung anong gusto nya sabihin.



"Wag mo kong tignan ng ganyan, wag kang mag alala hindi ako mawawala sayo." -napa ayos ako ng upo ng magsalita sya, pero teka ano daw ulit yun ?



"May sinasabi ka ?" -ano ba Cham bakit kinakabahan ka ?



Dumilat sya at inalis ang pagkakasandal ng likod nya saka tumingin ulit sakin ng diretso.


"Clean your f*cking ears okay ? Nakakapagod magsalita kung paulit ulitin mo lang ako." -sabi nya saka ulit tumayo.



Napasimangot lang ako sa sinabi nya, sa lahat sa kanila bakit sa kanya ako laging naapektuhan ? F*cking Viahm Framm' ano bang meron sya na wala ang iba ?

Hindi ko na lang sya pinansin at tumayo na lang ulit, paalis na ako para pumunta sa susunod kong klase pero nagulat ako ng bigla nya akong hatakin sa braso at sapilitang ikulong sa mga bisig nya. Nanlaki ang mata ko sa ginawa nya, hindi ako makagalaw habang nakikita ko sa paligid ang mga estudyante at napapatingin lang samin. The eff with this guy ? bakit sa ganitong lugar pa sya gagawa ng ganto ? hindi na sya namimili ng lugar.



"I miss you, is this near enough to make you hear my words ?" -parang tumigil ang tibok ng puso ko at parang dinaluyan ng buong kuryente ang katawan ko. He missed me ?

Morthon University : "League of Assassin" (Book 1)Where stories live. Discover now